Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

14/376

Silang Hinahanap ang Kanyang Mukha Ay Matatagpuan Siya, Enero 13

Sinabi mo, Hanapin ninyo ang aking mukha; sabi ng aking puso sa iyo, Ang iyong mukha, Panginoon, ay aking hinahanap. Awit 27:8. KDB 19.1

Ang lahat ng kapangyarihan ni Satanas ay gumagawa para panatilihin ang ating atensyon sa mga walang kabuluhang mga libangan, at kanyang nakukuha ang kanyang pakay. Kanyang inilalagay ang kanyang mga pakana sa pagitan ng Diyos at ng kaluluwa. Siya'y gagawa ng mga libangan para ilayo ang tao mula sa pag-iisip tungkol sa Diyos. Ang sanlibutan na puno ng mga laro at pag-ibig sa kasiyahan, ay laging uhaw sa mga bagong interes, ngunit napakaliit ng panahon at pag-iisip ang ibinibigay sa Manlilikha ng mga kalangitan at ng lupa? . . . Nais ng Diyos na ating pag-aralan ang gawa ng walang hanggan, at mula sa pag-aaral na ito ay matutong ibigin at igalang at sundin Siya. Ang mga langit at ang lupa kasama ang mga kayamanan nito ay magtuturo ng mga aral ng pag-ibig, pangangalaga, at kapangyarihan ng Diyos. KDB 19.2

Ang Diyos ay tumatawag sa Kanyang mga nilikha na ibaling ang kanilang pansin mula sa kalituhan at alalahanin sa paligid nila, at hangaan ang Kanyang mga gawa. Habang ating pinag-aaralan ang Kanyang mga gawa, ang mga anghel mula sa langit ay nasa ating mga tabi, para liwanagan ang ating mga isipan, at ingatan ang mga ito mula sa mga pandaraya ni Satanas. Habang ikaw ay tumitingin sa mga kahanga-hangang bagay na ginawa ng mga kamay ng Diyos, hayaang ang iyong mapagmataas at mangmang na puso na maramdaman ang pagdedepende at kababaan nito. Gaano ngang kakilakilabot na ang pagkilala sa Diyos ay hindi ginawa kung kailan dapat ito ginawa! Gaano ngang kalungkot na papagpakumbabain ang sarili kung kailan huli na!— Counsels to Parents, Teachers, and students, pp. 456, 457. KDB 19.3

Sa relihiyon ni Cristo ay mayroong nagbibigay-buhay na impluwensiya na bumabago sa buong pagkatao, na iniaangat ang tao sa itaas mula sa lahat ng nakasasamang lumalaganap na bisyo, at itinataas ang isipan at hangarin tungo sa Diyos at sa langit. Naiugnay sa Isang Walang hanggan, ang tao ay nagiging kabahagi ng likas ng Diyos. Ang mga sibat ng masama ay walang epekto sa kanya; sapagkat siya'y nadaramtan ng baluti ng katuwiran ni Cristo.— Ibid., pp. 51, 52. KDB 19.4