Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

15/376

Ang Luklukan ng Diyos Ay Nasa Langit, Enero 14

Ang PANGINOON ay nasa kanyang banal na templo, ang trono ng PANGINOON ay nasa langit; ang kanyang mga mata ay nagmamasid, ang mga talukap ng kanyang mata ay sumusubok sa mga anak ng mga tao. Awit 11:4. KDB 20.1

Ipinakikita ng Biblia sa atin ang Diyos sa Kanyang mataas at banal na dako, hindi sa kalagayang walang ginagawa, hindi sa katahimikan at pag-iisa, kundi napalilibutan ng sampung libong tigsasampung libo at libu-libong mga libong mga banal na nilalang, na naghihintay gawin ang Kanyang kalooban. Sa pamamagitan ng mga mensaherong ito, Siya ay nasa aktibong pakikipag- ugnayan sa bawat bahagi ng Kanyang nasasakupan. Sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu, Siya ay nasa lahat ng mga dako. Sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu at ng Kanyang mga anghel, Siya ay naglilingkod sa mga anak ng tao. KDB 20.2

Sa ibabaw ng mga kaguluhan sa mundo Siya ay nauupong nakaluklok; lahat ay hayag sa Kanyang paningin; at mula sa Kanyang dakila at payapang kawalang-hanggan ay nag-uutos Siya kung ano ang nakikitang pinakamabuti. . . . KDB 20.3

Ang ating pagkakilala sa Diyos ay kakaunti at hindi perpekto. Kapag natapos na ang labanan, ang Taong si Cristo Jesus ay kikilalanin sa harapan ng Ama ang Kanyang mga tapat na mga manggagawa, silang nasa mundo ng kasalanan ay nagpatotoo para sa Kanya, kanilang mauunawaang maliwanag ang ngayon ay mga hiwaga sa kanila. KDB 20.4

Dinalang kasama ni Cristo sa makalangit na hukuman ang Kanyang niluwalhating pagkatao. Sa mga tumanggap sa Kanya ay pinagkalooban Niya ng kapangyarihang maging mga anak ng Diyos, upang sa wakas ay tanggapin sila ng Diyos bilang Kanya, para manahang kasama Niya magpakailanman. Kung sa panahong ito sila ay matapat sa Diyos, sa huli ay, “makikita nila ang kanyang mukha at ang kanyang pangalan ay masusulat sa kanilang mga noo.” At ano ang kaligayahan ng langit kundi ang makita ang Diyos? Ano ngang dakilang kaligayahan ang darating sa makasalanan liban sa biyaya ni Cristo ay ang pagmasdan ang Kanyang mukha, at makilala Siya bilang Ama?— The Ministry of Healing, pp. 417-421. KDB 20.5