Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Ang Kanyang Kabutihan Ay Sumasaksing Patuloy, Enero 12
Gayunman ay hindi niya hinayaang mawalan siya ng saksi sa paggawa ng mabuti - na nagbigay sa inyo ng ulan mula sa langit at ng masasaganang panahon, at pinupuno kayo ng pagkain at ang inyong mga puso ng kagalakan. Gawa 14:17. KDB 18.1
Dinungisan ng kasalanan ang kagandahan ng mundo; sa lahat ng mga bagay ay may mga bakas ng gawa ng kasamaan. Ngunit maraming magaganda ang nananatili. Ang kalikasan ay nagpapatotoo na ang Isang may walang-hanggang kapangyarihan, dakila sa kabutihan, kaawaan at pag-ibig, nilikha ang lupa, at pinuno ito ng buhay at kasiyahan. Kahit na sa sirang kalagayan, ang lahat ng mga bagay ay nagpapakita ng gawa ng kamay ng dakilang Dalubhasang Pintor. Saan man tayo lumingon, maririnig natin ang tinig ng Diyos, at makikita ang ebidensya ng Kanyang kabutihan. KDB 18.2
Mula sa taimtim na paggulong ng malalim na tono ng kulog at walang tigil na ugong ng matandang karagatan, hanggang sa masasayang mga awit na nagpapaging tinig sa mga gubat na may himig, ang maraming tinig ng kalikasan ay nagsasalita ng kapurihan Niya. Sa lupa, sa dagat, at sa kalangitan, taglay ang kanilang kahanga-hangang pusyaw at kulay, nagkakaiba-iba sa marilag na salungatan o magkasamang nagkakaisa, ating nakikita ang Kanyang kaluwalhatian. Ang walang-hanggang mga burol ay nagsasabi sa atin ng Kanyang kapangyarihan. Ang mga puno na ikinakaway ang kanilang mga berdeng bandila sa sikat ng araw, at ang mga bulaklak sa maselang kagandahan nito, ay nagtuturo sa kanilang Manlilikha. Ang mga luntian na nakalatag sa kayumangging lupa ay nagsasabi ng pangangalaga ng Diyos sa pinakamaliit na mga nilalang. KDB 18.3
Ang mga kweba ng karagatan at kalaliman ng lupa ay naghahayag ng Kanyang kayamanan. Siyang naglagay ng perlas sa karagatan at ng amatista at crisolito sa mga bato, ay umiibig sa maganda.— The Ministry of Healing, pp. 411, 412. KDB 18.4
Ang Diyos ng langit ay patuloy na gumagawa. Ito'y sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan na ang halaman ay yumayabong, na lumalabas ang bawat dahon, at namumukadkad ang bawat bulaklak. Ang bawat patak ng ulan o piraso ng niyebe, ang bawat tulis ng damo, ang bawat dahon, bulaklak at maliliit na puno, ay nagpapatotoo sa Diyos. Itong mga maliliit na mga bagay na ito na pangkaraniwan sa paligid natin, ay nagtuturo sa atin ng aral na . . . walang napakaliit na bagay para sa Kanyang pansin.— Testimonies for the Church, vol. 8, p. 260. KDB 18.5