Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Siyang Gumaganap sa Kalooban ng Ama Ay Papasok sa Langit, Hunyo 4
Hindi lahat ng nagsasabi sa akin Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit. Mateo 7:21. KDB 166.1
Nagmumula sa puso ang lahat ng tunay na pagsunod. Ito'y gawain ng pusong kasama si Cristo. At kung pahihintulutan natin, makikiisa Siya sa ating mga pag-iisip at layunin, pagsasamahin ang ating mga puso at isipan sa pagkakasundo sa Kanyang kalooban, na kung sumusunod sa Kanya ay itinataguyod lamang natin ang sarili nating mga damdamin. Ang kaloobang nilinis at pinabanal ay mahahanap ang pinakamataas nitong kasiyahan sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Kung kikilalanin natin ang Diyos na itinuturing na pribilehiyong makilala Siya, ang ating buhay ay magiging buhay ng patuloy na pagsunod. Sa pamamagitan ng pagkilala sa karakter ni Cristo, sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos, magiging kasuklam-suklam sa atin ang kasalanan.— The Desire of Ages, p. 668. KDB 166.2
Dapat na maturuan ang mga bata na ibinigay sa kanila ang kanilang mga kakayanan para sa karangalan at kaluwalhatian ng Diyos. Kailangan nilang matutunan ang liksyon ng pagsunod para sa layuning ito; sapagkat makapagbibigay lamang sila ng paglilingkod na Kanyang hinihingi sa pamamagitan ng mga buhay na may kahandaang sumunod. Maaaring turuang sumunod ang bata bago pa siya makarating sa edad na kaya na niyang mangatuwiran. Kailangang maitatag ang kaugalian sa pamamagitan ng maamo at matiyagang pagsisikap. Sa ganitong paraan ay maiiwasan ang mga salungatan sa hinaharap sa pagitan ng kalooban at awtoridad, na malaki ang nagagawa upang gisingin sa mga pag-iisip ng mga kabataan ang paglayo at sama ng loob sa mga magulang at mga guro, at madalas na humahantong sa paglaban sa lahat ng awtoridad, maging ng tao, o ng Diyos. Dapat maipakita sa mga bata na nahahayag sa pagsunod ang tunay na paggalang. Walang iniutos ang Diyos na hindi mahalaga, at walang ibang paraan ng pagpapakita ng paggalang na nakalulugod sa Kanya kaysa sa pagsunod sa kung ano ang Kanyang sinabi.— Counsels to Parents, Teachers, and students, pp. 110, 111. KDB 166.3
Dapat na maisagawa ng mga kabataan ang hinihingi sa kanila na may kasiglahan at katapatan; at ito'y magiging garantiya ng tagumpay.— Ibid., p. 100. KDB 166.4