Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Natagpuan ang Diyos sa mga Bagay na Kanyang Ginawa, Enero 11
Mula pa nang likhain ang sanlibutan, ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos, bagaman hindi nakikita, ay naunawaan at nakita sa pamamagitan ng mga bagay na kanyang ginawa, upang wala silang maidadahilan. Roma 1:20. KDB 17.1
Sa pagtutuon ng pansin sa mga batas ng materya at sa batas ng kalikasan, nakaliligtaan ng marami, kung hindi nila ikinakaila, ang nagpapatuloy at direktang pamamahala ng Diyos. Sila ay nagbibigay ng kaisipan na ang kalikasan ay kumikilos na hiwalay sa Diyos, na mayroon ito sa at ng sarili nito ng mga sariling limitasyon at sarili nitong mga kapangyarihan para makagawa. Sa kanilang isipan, ay may malaking pagkakaiba sa pagitan ng natural at ng sobrenatural. Ang natural ay ibinibilang na may ordinaryong mga sanhi, hindi konektado sa kapangyarihan ng Diyos. Ang mahalagang kapangyarihan ay ipinalalagay sa materya, at ang kalikasan ay ginawang diyos. Iniisip na ang materya ay nailagay sa eksaktong mga ugnayan, at naiwang kumikilos mula sa di-nagbabagong mga batas, na kahit ang Diyos ay hindi maaaring makialam; na ang kalikasan ay binigyan ng ilang mga katangian, at inilagay sa ilalim ng mga batas, at pagkatapos ay iniwan sa sarili nito para sundin ang mga batas, at gawin ang trabahong orihinal na iniutos. KDB 17.2
Ito ay maling siyensya; walang anuman sa Salita ng Diyos para suportahan ito. Hindi inalis ng Diyos ang Kanyang mga kautusan, ngunit Siya'y patuloy na gumagawa sa pamamagitan ng mga ito, na ginagamit ang mga ito bilang Kanyang mga instrumento. Ang mga ito ay hindi gumagawa sa kanilang sarili. Ang Diyos ay palagiang gumagawa sa kalikasan. Kanya itong lingkod, binibigyan ng direksyon ayon sa nais Niya. Ang kalikasan sa gawain nito ay nagpapatunay sa matalinong presensya at pagiging aktibo ng Isang kumikilos sa lahat ng Kanyang mga gawa ayon sa Kanyang kalooban. Hindi sa pamamagitan ng kapangyarihan na mayroon sa kalikasan na taon-taon ang lupa ay nagbibigay ng kaloob nito, at nagpapatuloy sa kanyang pag-ikot sa palibot ng araw. Ang kamay ng walang- hanggang kapangyarihan ay walang tigil na gumagabay sa planetang ito. Ito ang kapangyarihan ng Diyos na pansamantalang kumikilos ang nagpapanatili sa posisyon nito sa kanyang pag-ikot.— Testimonies for the Church, vol. 8, pp. 259, 260. KDB 17.3