Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Hindi na Aalalahaning Muli ang Iyong mga Kasalanan, Mayo 21
Alinman sa kanyang mga paglabag na nagawa niya ay di na aalalahanin pa laban sa kanya; sapagkat sa matuwid na gawa na kanyang ginawa ay mabubuhay siya. Ezekiel 18:22. KDB 151.1
Noong sa kanyang kagulumihanan, hinawakan ni Jacob ang Anghel, at nagsumamong may mga luha, ipinaalala ng makalangit na Sugo, upang subukin ang kanyang pananampalataya, ang kanyang kasalanan, at nagsumikap na makatakas sa kanya. Ngunit hindi matatanggihan si Jacob. Natutunan niyang maawain ang Diyos, at ipinagkatiwala niya ang kanyang sarili sa Kanyang kahabagan. Ipinaalala niya ang kanyang pagsisisi para sa kanyang kasalanan, at nagsumamo para sa kaligtasan. Habang binabalikan niya ang kanyang buhay, halos humantong siya sa kabiguan; ngunit siya'y nanghawakang matatag sa Anghel. . . . KDB 151.2
Ganito ang magiging karanasan ng bayan ng Diyos sa kanilang huling pakikipagpunyagi sa mga kapangyarihan ng kasamaan. Susubukan ng Diyos ang kanilang pananampalataya, ang kanilang pagtitiis, ang kanilang pagtitiwala sa Kanyang kapangyarihan upang iligtas sila. Magsusumikap si Satanas na takutin sila sa kaisipang walang pag-asa ang kanilang mga kalagayan. . . . Ngunit sa pag-alaala sa kadakilaan ng kahabagan ng Diyos, at ng kanilang sariling matapat na pagsisisi, magsusumamo sila para sa Kanyang mga pangako na ginawa sa pamamagitan ni Cristo para sa mga mahihina at nagsisising makasalanan. Hindi mabibigo ang kanilang pananampalataya dahil sa hindi agad sinasagot ang kanilang mga panalangin. Panghahawakan nila ang kalakasan ng Diyos, kung paanong humawak si Jacob sa Anghel, at bibigkasin ng kanilang kaluluwa ang, “Hindi kita bibitawan malibang ako ay mabasbasan mo.” . . . Gayundin sa panahon ng kabagabagan, kapag ang bayan ng Diyos ay may mga kasalanang hindi pa pinagsisihan na haharap sa kanila habang sila'y nagdurusa sa pangamba at dalamhati, magagapi sila. . . . Ngunit habang mayroon silang malalim na pagkilala sa kanilang pagiging di-karapat-dapat, wala silang mga natatagong kamaliang ipahahayag. Binura na ng dugo ng pagtubos ni Cristo ang kanilang mga kasalanan, at hindi nila ito maaalala.— Patriarchs and Prophets, pp. 201, 202. KDB 151.3