Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

144/376

Ang Pagsisisi ni Zaqueo, Mayo 19

Si Zaqueo ay tumindig at sinabi sa Panginoon, Panginoon, ang kalahati ng aking mga pag- aari ay ibinibigay ko sa mga dukha at kung sa pamamagitan ng pandaraya ay may kinuha ako sa kanino mang tao, babayaran ko siya ng apat na ulit. Lucas 19:8. KDB 149.1

Napuspos, namangha, at napatahimik si Zaqueo ng pag-ibig at pagpapakababa ni Cristo sa Kanyang pagyukod sa kanya, na labis na hindi karapat-dapat. Ngayo'y nabuksan ang kanyang mga labi ng pag- ibig at katapatan para sa kanyang bagong nasumpungang Panginoon. Gagawin niyang hayagan ang kanyang pangungumpisal at pagsisisi. . . . KDB 149.2

Bago pa tumingin si Zaqueo sa mukha ni Cristo, sinimulan na niya ang gawain na nagpakita sa kanya bilang isang tunay na nagsisisi. Bago pa siya paratangan ng mga tao, ipinagtapat na niya ang kanyang kasalanan. Nagpasakop na siya sa kombiksyon ng Banal na Espiritu, at sinimulan na tuparin ang turo ng mga salitang isinulat para sa matandang Israel at para sa atin. Matagal ng sinabi ng Panginoon, . . . “Huwag aapihin ng sinuman ang kanyang kapwa, kundi matatakot kayo sa inyong Diyos.” Binigkas mismo ni Cristo ang mga salitang ito noong Siya'y napalilibutan ng haligi ng ulap, at ang pinakaunang tugon ni Zaqueo sa pag-ibig ni Cristo ay ang pagpapakita ng pagmamahal sa mga mahihirap at nagdurusa. . . . Walang totoong pagsisisi na hindi nagsasagawa ng pagbabago. Ang katuwiran ni Cristo ay hindi balabal upang takpan ang kasalanang hindi pinagsisihan at tinalikuran. Ito'y prinsipyo ng buhay na nagbabago sa karakter at kumukontrol sa pag-uugali. Ang kabanalan ay pagiging buo para sa Diyos; ito'y ganap na pagpapasakop ng puso at buhay sa mga prinsipyo ng kalangitan na nananahan sa loob. . . . KDB 149.3

Kung nasaktan natin ang iba sa pamamagitan ng anumang hindi matuwid na transaksyon sa pagnenegosyo, kung nagmalabis tayo sa pangangalakal, . . . dapat nating ikumpisal ang ating pagkakamali, at gumawa ng pagtutuwid sa abot ng ating makakaya.— The Desire of Ages, pp. 554-556. KDB 149.4