Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Ang Pagsisisi ni David, Mayo 17
Sapagkat pinaligiran ako ng kasamaang di mabilang, inabutan ako ng aking mga kasamaan, hanggang sa ako'y hindi makakita; sila'y h ig it pa kaysa mga buhok ng aking ulo, nanghihina ang aking puso. Kalugdan mo nawa, O PANGINOON, na ako'y iligtas m o! O PANGINOON, ikaw ay magmadaling tulungan ako! Awit 40:12, 13. KDB 147.1
Sa sunod-sunod na salinlahi, itinuro ng mga di-mananampalataya ang karakter ni David, na taglay ang madilim na bahid na ito, at binigkas sa pagtatagumpay at pangungutya, “Ito ang lalaking kinalulugdan ng puso ng Diyos!” . . . Ngunit hindi pinahahalagahan ng kasaysayan ni David ang kasalanan. Tinawag siyang isang lalaking kinalulugdan ng puso ng Diyos noong lumalakad siya sa payo ng Diyos. Noong magkasala siya, tumigil ito sa pagiging totoo tungkol sa kanya hanggang nagbalik siya sa Panginoon sa pamamagitan ng pagsisisi. . . . Bagaman nagsisi si David sa kanyang kasalanan, at pinatawad at tinanggap ng Panginoon, inani niya ang malungkot na bunga ng mga binhing siya mismo ang naghasik. Ang mga paghatol sa kanya at sa kanyang tahanan ay pagpapatotoo sa pagkamuhi ng Diyos sa kasalanan. . . . KDB 147.2
Nilayon ng Diyos ang kasaysayan ni David na magsilbing babala maging para sa kanila na pinagpalang mabuti na huwag maging kampante at kaligtaan ang pagbabantay at pananalangin. At naging ganito nga ito para sa kanila na sa pagpapakumbaba ay nagsikap na matutunan ang mga aral na sinadyang ituro ng Diyos. Sa bawat salinlahi, libu-libo ang nadala na makilala ang sarili nilang panganib mula sa kapangyarihan ng manunukso. . . . Tapat at malalim ang pagsisisi ni David. Walang pagsisikap na pababain ang kanyang krimen. Walang pagnanasa sa kanyang panalangin na takasan ang bantang kahatulan. Kundi nakita niya ang laki ng kanyang kasalanan laban sa Diyos; nakita niya ang karungisan sa kanyang kaluluwa; kinamuhian niya ang kanyang kasalanan. Nanalangin siya hindi lamang para mapatawad, kundi para sa kadalisayan ng puso.- Patriarchs and Prophets, pp. 722-725. KDB 147.3
Sapagkat pinaligiran ako ng kasamaang di mabilang, inabutan ako ng aking mga kasamaan, hanggang sa ako'y hindi makakita; sila'y higit pa kaysa mga buhok ng aking ulo, nanghihina ang aking puso. Kalugdan mo nawa, O PANGINOON, na ako'y iligtas mo! KDB 147.4