Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Natagpuan ni Elias ang Diyos sa Banayad at Munting Tinig, Enero 10
Pagkatapos ng lindol ay apoy ngunit ang PANGINOON ay wala sa apoy: at pagkatapos ng apoy ay isang banayad at munting tinig. 1 Hari 19:12. KDB 16.1
Hindi sa makapangyarihang pagpapamalas ng banal na kapangyarihan, kundi sa “isang banayad at munting tinig,” na pinili ng Diyos na ipakilala ang Kanyang sarili sa Kanyang lingkod. Ninais Niyang turuan si Elias na hindi palaging ang gawain ng pinakadakilang pagtatanghal ang pinakamatagumpay sa pagsasakatuparan ng Kanyang layunin. Habang si Elias ay naghihintay sa kapahayagan ng Panginoon, ang bagyo ay dumating, ang mga kidlat ay kumislap, at ang lumalamong apoy ay tumangay; ngunit wala ang Diyos sa lahat ng mga ito. Pagkatapos ay dumating ang isang banayad at munting tinig, at ang propeta ay nagtakip ng kanyang ulo sa harapan ng presensya ng Panginoon. Ang kainitan ng kanyang ulo ay napatahimik, napalambot at napasuko ang kanyang espiritu. Ngayon ay kanyang nalaman na ang tahimik na pagtitiwala, ang matatag na pag- asa sa Diyos, ay palaging masusumpungan para sa kanya bilang nakasubaybay na tulong sa oras ng pangangailangan.— Prophets and Kings, pp. 168, 169. KDB 16.2
Ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa pamamagitan ng Kanyang napapanahong pagkilos, at sa pamamagitan ng impluwensiya ng Kanyang Espiritu sa puso. Sa ating mga kalagayan at mga kapaligiran, sa mga pagbabagong nagaganap araw- araw sa paligid natin, maaari tayong makatagpo ng mahahalagang mga liksyon, kung ang ating mga puso ay bukas para makita ang mga ito. . . . KDB 16.3
Ang Diyos ay nakikipag-usap sa atin sa Kanyang Salita. Dito ay mayroon tayong maliwanag na kapahayagan ng Kanyang karakter, ng Kanyang pakikitungo sa mga tao, at ng dakilang gawain ng pagtubos. Dito ay bukas sa atin ang kasaysayan ng mga patriyarka at mga propeta at iba pang mga banal nang una.... Habang ating binabasa ang mga mahahalagang karanasang naibigay sa kanila, ang tungkol sa liwanag at pag-ibig at pagpapala na para sa kanila upang tamasahin, at tungkol sa kanilang mga nagawa sa pamamagitan ng biyaya na ibinigay sa kanila, ang espiritung nagpasigla sa kanila ay nagsindi ng apoy na may banal na pagtulad sa ating mga puso at isang pagnanais na maging gaya nila sa karakter—gaya nila para lumakad kasama ng Diyos.— steps to Christ, pp. 87, 88. KDB 16.4