Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

137/376

Huwag Maging Matigas ang Inyong Ulo, Kundi Ibigay ang Sarili, Mayo 12

Huwag kayo ngayong maging matigas ang ulo, na gaya ng inyong mga ninuno, kundi ibigay ninyo ang sarili sa PANGINOON. Pumasok kayo sa kanyang santuwaryo na kanyang itinalaga magpakailanman, at paglingkuran ninyo ang PANGINOON ninyong Diyos, upang ang kanyang matinding galit ay lumayo sa inyo. 2 Cronica 30:8. KDB 142.1

Kung makikita lamang nilang nagtatago at binibigyang dahilan ang kanilang mga kamalian kung paanong nagagalak si Satanas sa kanila, kung paano niya tinutuya si Cristo at ang mga banal na anghel dahil sa kanilang ginagawa, magmamadali silang magtapat ng kanilang mga kasalanan at itakwil ang mga ito. Sa pamamagitan ng depekto sa karakter, gumagawa si Satanas upang magkaroon ng kontrol sa buong pag-iisip, at alam niyang magtatagumpay siya kapag pinananatili ang mga kamaliang ito. Kaya't palagi siyang nagsisikap na dayain ang mga tagasunod ni Cristo sa pamamagitan ng mga nakamamatay na panlilinlang na hindi nila maaaring mapanagumpayan. Ngunit pinamamanhikan ni Jesus ang Kanyang nasugatang mga kamay, ang napinsala Niyang katawan para sa kanila; at sinasabi Niya sa lahat ng nagnanais sumunod sa Kanya, “Ang Aking biyaya ay sapat na sa iyo.” . . . Kaya't huwag isipin ninuman na hindi na magagamot ang kanilang mga kamalian. Magbibigay ang Diyos ng pananampalataya at biyaya upang mapanagumpayan ang mga ito. KDB 142.2

Nabubuhay tayo ngayon sa dakilang araw ng pagtubos. Sa karaniwang paglilingkod, habang ang dakilang saserdote ay gumagawa ng gawaing pagtubos sa Israel, lahat ay kailangang pahirapan ang kanilang kaluluwa sa pamamagitan ng pagsisisi sa kasalanan at pagpapakumbaba sa harapan ng Panginoon, kung hindi'y mahihiwalay sila sa bayan. Sa gayunding paraan, lahat ng nagnanais mapanatili ang kanilang mga pangalan sa aklat ng buhay, ay ngayon kailangan, sa natitirang iilang araw ng kanilang pagsubok, pahirapan ang kanilang mga kaluluwa sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng kalungkutan para sa kasalanan at tunay na pagsisisi. Kailangang magkaroon ng malalim at matapat na pagsasaliksik ng puso. Dapat na maiwaksi ang mababaw at walang- kabuluhang espiritu na tinatangkilik ng napakaraming nag-aangking Cristiano. Mayroong matinding pakikidigma sa harapan ng lahat ng nagnanais supilin ang kanilang masasamang hilig na nakikipagpunyagi para mangibabaw.— The Great Controversy, pp. 489, 490. KDB 142.3