Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Maghugas Kayo ng Inyong Sarili, Mayo 11
Maghugas kayo ng inyong sarili, maglinis kayo; alisin ninyo ang kasamaan ng inyong mga gawa sa aking paningin; tumigil kayo sa paggawa ng kasamaan. Isaias 1:16. KDB 141.1
Ngunit marami ang naaakit sa kagandahan ni Cristo at sa kaluwalhatian ng langit, na lumalayo pa rin sa mga kondisyon upang kanilang makamit ang mga ito. Marami ang nasa malapad na daan na hindi ganap na nasisiyahan sa landas na kanilang nilalakaran. Nagnanasa silang makalaya sa pang-aalipin ng kasalanan, at nanindigan laban sa masasamang gawain nila sa pamamagitan ng sarili nilang kalakasan. Tumitingin sila sa makitid na daan at maliit na pintuan; ngunit naglalagay ng hadlang sa pagitan nila at ng Tagapagligtas ang makasariling kaaliwan, pagmamahal sa sanlibutan, pagmamataas, at hindi banal na adhikain. Para mabitawan ang kanilang sariling kalooban, ang kanilang piniling paglagakan ng pagkagiliw at layunin, ay nangangailangan ng sakripisyo kung saan sila'y nag-aalangan, nagkulang, at kanilang tinatalikdan. “Marami ang magsisikap na pumasok at hindi makakapasok.” Ninanasa nila ang mabuti, nagsisikap nang kaunti upang makamtan ito; ngunit hindi nila ito pinipili. Wala silang matibay na layunin upang makamtan ito anuman ang mangyari. KDB 141.2
Ang tanging pag-asa para sa atin, kung tayo'y mananagumpay, ay ang maiugnay ang ating kalooban sa kalooban ng Diyos, at makipagtulungan sa Kanya, sa bawat oras, at sa bawat araw. Hindi tayo makapapasok sa kaharian ng Diyos samantalang pinananatili ang ating sarili. Kung makakamit man natin ang kabanalan, ito'y sa pamamagitan ng pagtanggi sa sarili, at pagtanggap sa kaisipan ni Cristo. Kailangang maipako sa krus ang pagmamataas at kapalaluan. Nakahanda ba tayong magbayad ng halagang hinihingi sa atin? Nakahanda ba tayong madala ang ating kalooban na kasang-ayon sa kalooban ng Diyos? Hanggang hindi tayo nagiging handa, hindi maaaring makita sa atin ang nakapagpapabagong biyaya ng Diyos.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 143. KDB 141.3
Pagsisisi ang unang hakbang na kailangang gawin ng lahat ng nagnanais bumalik sa Diyos.— Patriarchs and Prophets, p. 590. KDB 141.4