Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

131/376

Kung Magkagayo'y Inyong Maaalala ang Inyong Masasamang Lakad, Mayo 6

Kung magkagayo'y inyong maaalala ang inyong masasamang lakad, at ang inyong mga gawa na hindi mabuti. Kayo'y masusuklam sa inyong sarili dahil sa inyong mga kasamaan at mga karumaldumal na gawa. Ezekiel 36:31. KDB 136.1

Hindi mapapalitan ng panlabas na paglilingkod ang payak na pananampalataya at lubos na pagtanggi sa sarili. Ngunit walang taong magagawang iwaksi ang kanyang sarili. Tayo lamang ay magpapahintulot kay Cristo na gampanan ang gawaing ito. Kung magkagayon ang bibigkasin ng kaluluwa ay, Panginoon, kunin Mo ang aking puso; sapagkat hindi ko ito maibibigay. Pag-aari Mo ito. Dalisayin Mo, sapagkat hindi ko ito maiingatan para sa lyo. Iligtas Mo ako sa kabila ng aking sarili, ang aking mahina at hindi maka-Cristong sarili. Hubugin Mo ako, ayusin Mo ako, itaas Mo ako sa dalisay at banal na lugar, kung saan ang mayamang daloy ng lyong pag-ibig ay maaaring dumaloy sa aking kaluluwa. KDB 136.2

Hindi lamang sa simula ng buhay Cristiano kailangang gawin ang pagtangging ito sa sarili. Sa bawat hakbang pasulong patungo sa langit, kailangan itong gawing muli. Nakasalalay ang lahat ng ating mabubuting gawa sa kapangyarihang nasa labas natin. Kaya't kailangan ang patuloy na pag-abot para sa puso ng Diyos, isang patuloy, marubdob, at nakadudurog ng pusong pag-amin ng kasalanan at pagpapakumbaba ng kaluluwa sa Kanyang harapan. Makalalakad lamang tayo ng ligtas sa pamamagitan ng palagiang pagtanggi sa sarili at pagtitiwala kay Cristo. KDB 136.3

Habang mas lumalapit tayo kay Jesus, ay higit na malinaw nating nakikilala ang kadalisayan ng Kanyang karakter, higit na malinaw nating makikilala ang labis na karumihan ng kasalanan, at mababawasan ang pagnanasa nating itaas ang ating mga sarili. Mahuhuli sa pagpaparada ng sarili nilang kabutihan silang kinikilala ng kalangitan bilang mga banal. . . . Sa bawat hakbang pasulong sa karanasang Cristiano ay lalong lalalim ang ating pagsisisi. Sa kanilang pinatawad ng Diyos, sa kanilang kinikilala Niya bilang Kanyang bayan sinasabi Niya, “Kung magkagayo'y inyong maaalala ang inyong masasamang lakad, . . . at kayo'y mayayamot sa inyong sarili.”— Christ’s Object Lessons, pp. 159-161. KDB 136.4