Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

10/376

Ang Kalangitan Ay Naghahayag ng Kanyang Kaluwalhatian, Enero 9

Nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos ang kalangitan, at ang mga gawa ng kanyang kamay ay inihahayag ng kalawakan. Sa araw-araw ay nagsasalita, at gabi-gabi ay nagpapahayag ng kaalaman. Walang pananalita o mga salita man; ang kanilang tinig ay hindi narinig. Awit 19:1-3. KDB 15.1

Ang parehong kapangyarihang humahawak sa kalikasan, ay gumagawa rin sa mga tao. Ang parehong dakilang mga batas na gumagabay sa bituin at sa atomo, ay kumukontrol sa buhay ng tao. Ang mga batas na namamahala sa kilos ng puso, na nagsasaayos sa daloy ng kuryente ng buhay sa katawan ay ang mga batas ng makapangyarihang Karunungan na may saklaw sa kaluluwa. Ang lahat ng buhay ay nagmula sa Kanya. Tanging sa pakikipagkaisa sa Kanya matatagpuan ang tunay nitong saklaw ng pagkilos. Sapagkat lahat ng mga bagay na kanyang nilikha ay pareho ang kondisyon— ang buhay na napupunan sa pamamagitan ng pagtanggap ng buhay ng Diyos, ang buhay na ginagamit ayon sa kalooban ng Manlilikha. Ang labagin ang kautusan Niya, pisikal man, mental, o ito man ay moral, ay paglalagay ng sarili sa hindi kasuwato sa kalawakan, ang pagpapasok ng di-pagkakasundo, anarkiya, at pagkawasak. KDB 15.2

Siyang natutong intindihin ang mga aral nito, ang lahat ng kalikasan ay nagliliwanag; ang mundo ay isang araling aklat, ang buhay ay paaralan. Ang pakikiisa ng tao sa kalikasan at sa Diyos, ang pandaigdigang pangingibabaw ng kautusan, ang mga resulta ng pagsalangsang, ay hindi mabibigong mapahanga ang kaisipan at hubugin ang karakter. . . . KDB 15.3

Hangga't maaari, hayaan ang bata mula sa mga taon ng kanyang pagkabata ay mailagay kung saan ang mga araling aklat na ito ay magiging bukas sa kanyang harapan. Hayaang kanyang mapagmasdan ang mga maluwalhating tagpo na ipininta ng dakilang Dalubhasang Pintor sa nagbabagong kanbas ng mga kalangitan, hayaan siyang maging pamilyar sa mga kamangha-mangha sa lupa at sa dagat, hayaan siyang panoorin ang mga hiwaga ng nagbabagong mga panahon, at, sa lahat ng Kanyang mga gawa, ay makilala ang Manlilikha.— EDUCATION, pp. 99-101. KDB 15.4