Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Nabihag ang mga Makasalanan, Mayo 3
At sila'y matauhan at makawala sa bitag ng diyablo na bumihag sa kanila upang gawin ang kanyang kalooban. 2 Timoteo 2:26. KDB 133.1
Napakamapanganib na hayaang mamuhay sa puso ang isang hindi maka- Cristianong katangian. Unti-unting sisirain ng isang kasalanang iniingatan ang karakter, na ipinasasakop ang mga higit na marangal na kapangyarihan sa masamang pagnanasa. Ang pagtanggal ng isang tagapagsanggalang sa konsyensya, ang pagbibigay-hilig sa isang masamang nakasanayan, ang minsang pagkaligta sa mataas na pag-aangkin ng katungkulan, ay sinisira ang pananggalang ng kaluluwa, at binubuksan ang daan para makapasok si Satanas at iligaw tayo. Ang natatanging ligtas na daan ay ang araw-araw na isulong ang ating mga panalangin mula sa isang tapat na puso, na gaya ng ginawa ni David, “Ang aking mga hakbang ay nanatili sa Iyong mga landas, ang aking mga paa ay hindi nadulas.”— Patriarchs and Prophets, p. 452. KDB 133.2
Nabubuhay tayong napalilibutan ng malademonyo na salamangka. Maghahabi ang kaaway ng gayuma ng kahalayan sa palibot ng bawat kaluluwa na hindi nababantayan ng biyaya ni Cristo. Darating ang mga tukso; ngunit kung magbabantay tayo laban sa kaaway, at pananatilihin ang balanse ng pagpipigil at kadalisayan, hindi magkakaroon ng impluwensiya sa atin ang mga espiritung mapang-akit. Silang di- nagbibigay paanyaya sa kasamaan ay magkakaroon ng lakas upang manindigan laban sa tukso kapag dumating ito; ngunit yaong nagpapanatili ng kanilang sarili sa kapaligiran ng kasamaan ay kanilang sarili lamang ang sisisihin kapag nagapi sila at nahulog mula sa kanilang pagtitiyaga. . . . Dapat tayong magabayan ng tunay na teolohiya at sentido-kumon. Dapat na mapalibutan ang ating mga kaluluwa ng kapaligiran ng langit. Dapat na bantayan ng mga lalaki at babae ang kanilang mga sarili. Dapat silang patuloy na nagbabantay, na hindi pinahihintulutan ang anumang salita o kilos na maging dahilan upang tuligsain ang kanilang kabutihan. Siyang nag- aangkin ng pagiging tagasunod ni Cristo ay dapat bantayan ang kanyang sarili, na pinananatiling dalisay at walang dungis ang pag-iisip, salita, at pagkilos. Dapat na nakapagpapataas ang kanyang impluwensiya sa iba.— Counsels to Parents, Teachers, and students, pp. 257, 258. KDB 133.3