Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Kayo'y Ipinagbili, Mayo 2
Sapagkat ganito ang sabi ng PANGINOON: Kayo'y ipinagbili sa wala, at kayo'y tutubusin na walang salapi. Isaias 52:3. KDB 132.1
Hindi lamang tayo inihihiwalay ng kasalanan sa Diyos, kundi sinisira sa kaluluwa ng tao kapwa ang pagnanasa at ang kakayanan na makilala Siya. Sa pamamagitan ng kasalanan, nasisira ang buong pagkatao, nababaluktot ang pag-iisip, napasasama ang imahinasyon; napipinsala ang mga kakayanan ng kaluluwa. May kawalan ng dalisay na relihiyon, ng kabanalan sa puso. Ang nangungumbinsing kapangyarihan ng Diyos ay hindi gumawa sa pagpapanibago sa karakter. Mahina ang kaluluwa, at dahil sa kawalan ng moral na kalakasan upang managumpay, ito'y narumihan at napasama.—Prophets and Kings, p. 233. KDB 132.2
Kailangan nating maunawaan ng mas malinaw kaysa sa pagkaalam natin ngayon ang mga usaping nakataya sa malaking tunggaliang ating kinasasangkutan. Kailangan nating maunawaan nang higit ang kahalagahan ng mga katotohanan ng Salita ng Diyos, at ang panganib ng pagpapahintulot na mailigaw ng dakilang manlilinlang ang ating mga pag-iisip sa kanila. KDB 132.3
Ang walang-hanggang kahalagahan ng kinakailangang sakripisyo para sa ating pagkatubos ay ipinahahayag ang napakalaking kasamaan ng kasalanan. Nasira ang buong pagkatao sa pamamagitan ng kasalanan, nabaluktot ang pag- iisip, napasama ang imahinasyon. Pinababa ng kasalanan ang mga kakayanan ng kaluluwa. Nakahahanap ng tumutugon na kuwerdas mula sa puso ang mga tuksong nagmumula sa labas, at hindi namamalayang ang mga paa ay tumutungo sa kasamaan. KDB 132.4
Dahil ganap ang sakripisyo para sa atin, sa gayon magiging ganap din ang ating pagpapanumbalik mula sa karungisan ng kasalanan. Walang palalampasin ang kautusan na paggawa ng kasamaan; walang kasamaan ang makatatakas sa paghatol. Walang kinikilalang pamantayan ang etika ng ebanghelyo liban sa pagiging ganap ng banal na karakter. Ang buhay ni Cristo ay ganap na katuparan sa bawat tuntunin ng kautusan.— The Ministry of Healing, p. 451. KDB 132.5