Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

121/376

Huwag Ninyong Tularan ang Sanlibutang Ito, Abril 27

Huwag ninyong tularan ang sanlibutang ito; kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang mapatunayan ninyo kung alin ang mabuti, kasiya-siya, at lubos na kalooban ng Diyos.Roma 12:2. KDB 126.1

Marami sa mga nag-aangkin, sa mga natatanging bayan ng Diyos ang labis na tinutularan ang sanlibutan na anupa't hindi na makita ang kanilang natatanging karakter, at mahirap kilalanin “yaong naglilingkod sa Diyos at yaong hindi naglilingkod sa Kanya.” Gagawa ang Diyos ng mga dakilang bagay para sa Kanyang bayan, kung lalabas sila mula sa sanlibutang ito at hihiwalay. Kung sila'y magpapasakop upang Kanyang pangunahan sila, gagawin Niya silang kapurihan sa buong sanlibutan. KDB 126.2

Sinasabi ng Totoong Saksi, “Nalalaman Ko ang iyong mga gawa.” Nalalaman ng mga anghel ng Diyos na naglilingkod sa kanila na magiging tagapagmana ng kaligtasan, ang kalagayan ng lahat, at nauunawaan nila ang mismong sukat ng pananampalataya na taglay ng bawat isa. Ang kawalan ng paniniwala, pagmamataas, pag-iimbot at pagmamahal sa sanlibutan, na umiiral sa mga puso nilang nag-aangking bayan ng Diyos ay pinalulungkot ang mga di-nagkasalang anghel. Napapaluha sila sa pagtingin sa malulubha at mapangahas na mga kasalanang umiiral sa puso ng maraming nag-aangking tagasunod ni Cristo, at nawalang-dangal ang Diyos dahil sa landas nilang pabago-bago at liko. Subalit tila hindi naaantig o nagsisisi yaong mga may pinakamalaking sala, yaong nagdulot ng pinakamatinding kahinaan sa iglesya, at bumabahid sa kanilang banal na pagkatawag, bagkus ay tila nararamdaman nilang sila'y nananagana sa Panginoon.— Testimonies for the Church, vol. 2, p. 125. KDB 126.3

Kung kusang-loob nating inilalagay ang ating mga sarili sa kapaligiran ng pagkamakasanlibutan at kawalan ng paniniwala, pinalulungkot natin ang Diyos, at itinataboy ang mag banal na anghel mula sa ating mga tahanan. Silang nagkakamit para sa kanilang mga anak ng kayamanan sa sanlibutan at karangalan kapalit ng kanilang walang-hanggang kapakinabangan, ay matatagpuan sa huli na ang mga pakinabang na ito ay malaking kawalan. . . . Wala sa mundong ito angmanang ipinangako ng Diyos sa Kanyang bayan.— Patriarchs and Prophets, p. 169. KDB 126.4