Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

118/376

Makinig Kayo sa Aking mga Salita, Abril 24

Ngayon nga, mga anak, dinggin ninyo ako, sa mga salita ng aking bibig ay makinig kayo. Huwag ibaling ang iyong puso sa kanyang mga lakad, huwag kang maliligaw sa kanyang mga landas. Kawikaan 7:24, 25. KDB 123.1

Nasa pagtataas at pagtubos sa nagkasalang sangkatauhan ang kagalakan ng ating Tagapagligtas. Hindi Niya binilang na mahalaga ang Kanyang buhay para sa Kanyang sarili, kundi nagtiis ng krus, niwalang bahala ang kahihiyan. Sa gayon palagiang gumagawa ang mga anghel para sa kaligayahan ng iba. Ito ang kaligayahan nila. Iyong ibinibilang ng mga makasariling puso na nakapagpapababang serbisyo, paglilingkod sa kanilang mga aba at mas mababa sa karakter at ranggo sa bawat paraan, ay siyang gawain ng mga anghel na hindi nagkasala. Ang espiritu ng pag-ibig ni Cristo na nakahandang magsakripisyo sa sarili ay laganap sa kalangitan at siyang pinakadiwa ng kaligayahan nito. Ito ang espiritung tataglayin ng mga tagasunod ni Cristo, ang gawaing kanilang gagampanan. KDB 123.2

Kapag nasa puso ang pag-ibig ni Cristo, na parang matamis na samyo, hindi ito maitatago. Ang banal na impluwensiya nito ay mararamdaman ng lahat ng ating makasasalamuha. Tulad ng bukal sa ilang, ang espiritu ni Cristo sa puso, na umaagos upang magbigay ginhawa sa lahat, at ginagawa nito yaong nakahanda ng mamatay na sabik na uminom ng tubig ng buhay.— steps to Christ, p. 77. KDB 123.3

Walang tunay na kapangyarihan ang taong nag-iisa upang labanan at mapanagumpayan ang kasamaan. Nasisira ang mga tanggulan ng kaluluwa. Walang pangharang ang tao laban sa kasalanan. Kapag itinatwa ang pagpipigil ng Salita ng Diyos at ng Kanyang Espiritu, hindi natin nalalaman ang lalim kung saan ang isa ay maaaring lumubog.— The Ministry of Healing, p. 429. KDB 123.4

Kung tayo'y matututo mula kay Cristo, kailangan nating manalangin na tulad ng pananalangin ng mga alagad noong ibinuhos ang Banal na Espiritu sa kanila. Kailangan natin ang bautismo ng Espiritu ng Diyos. Hindi tayo ligtas maski isang oras habang nabibigo tayong mag-ukol ng pagsunod sa Salita ng Diyos.— Fundamentals of Christian Education, p. 537. KDB 123.5