Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

117/376

Bumaling Kayo sa Aking Saway, Abril 23

Sa aking saway ay bumaling kayo; narito, ibubuhos ko ang aking espiritu sa inyo. Ang mga salita ko'y ipapaalam ko sa inyo. Kawikaan 1:23. KDB 122.1

Ang mapagmataas na puso'y nagsisikap kamtan ang kaligtasan; ngunit kapwa ang ating karapatan sa kalangitan at ang ating pagiging karapat- dapat para rito ay matatagpuan sa katuwiran ni Cristo. Walang magagawa ang Panginoon tungo sa pagliligtas ng tao hanggang, kumbinsido sa sarili niyang kahinaan, at natanggal lahat ng kasiyahan sa sarili, ipinasasakop niya ang kanyang sarili sa kontrol ng Diyos. Sa gayo'y matatanggap niya ang kaloob na ninanais ng Diyos na ibigay. Walang ipagkakait sa kaluluwang nakadarama ng kanyang pangangailangan. Mayroon siyang malayang paglapit sa Kanya na pinananahanan ng buong kalubusan.— The Desire of Ages, p. 300. KDB 122.2

Kung kayo nga, na tao at masasama, “ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa Kanya?” Ang Banal na Espiritu, ang mismong kinatawan Niya, ay ang pinakadakila sa lahat ng mga kaloob. Lahat ng “mabubuting bagay” ay nabubuo rito. Ang mismong Maylalang, ay walang maibibigay sa atin na higit na dakila, higit na mabuti. Kapag tayo'y nagsusumamo sa Panginoon na kahabagan tayo sa ating kapighatian, at gabayan tayo ng Kanyang Banal na Espiritu, hindi Niya tatanggihan ang ating panalangin.— Thoughts From the Mount of Blessing, p. 132. KDB 122.3

Hindi mo ba ilalagay ang iyong sarili nang walang pagpapaliban sa tamang ugnayan sa Diyos? Hindi mo ba sasabihin, “Ibibigay ko ang aking kalooban kay Jesus, at gagawin ko ito ngayon,” at mula sa sandaling iyon ay maging lubos na nasa Kanyang panig? Isantabi mo ang nakasanayan, at ang malakas na paghiyaw ng hilig at pagnanasa. . . . Sa pamamagitan ng matibay na pananatili sa panig ng Panginoon, ang bawat damdamin ay mapapasa-ilalim sa kalooban ni Jesus. Sa gayo'y matatagpuan na nasa matibay na bato ang iyong mga paa. May mga pagkakataong kakailanganin ang lahat ng determinasyong iyong tinataglay, ngunit ang Diyos ang gumagawa para sa iyo, at lalabas ka mula sa proseso ng paghuhubog na isang sisidlang para sa karangalan.— Messages to Young People, p. 153. KDB 122.4