Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Ang Kasulatan Ay Nagpapatotoo sa Diyos, Enero 8
Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin. Juan 5:39. KDB 14.1
Ang pag-aaral na may pinakamataas na halaga ay ang naglalaman ng tagubilin ni Cristo, ang Guro ng mga guro.— Counsels to Parents, Teachers, and students, p. 389. KDB 14.2
Ang mga salita ng buhay na Diyos ang pinakamataas sa lahat ng mga edukasyon.— Ibid., p. 381. KDB 14.3
Ang Maylalang ng kalikasan ang Manunulat ng Biblia. Ang Paglikha at Cristianismo ay may iisang Diyos. Ang Diyos ay ipinahayag sa kalikasan, at ang Diyos ay ipinahayag sa Kanyang Salita. Sa mga malinaw na sinag ang liwanag ay sumisikat mula sa mga banal na pahina, ipinakikita sa atin ang buhay na Diyos, na kinakatawan ng mga kautusan ng Kanyang pamahalaan, sa pagkalikha ng sanlibutan, sa kalangitan na Kanyang pinalamutian. Ang Kanyang kapangyarihan ay dapat kilalanin na tanging paraan upang tubusin ang sanlibutan mula sa nakapipinsalang mga pamahiin na talagang nakasisira ng puri ng Diyos at ng tao. . . . KDB 14.4
Kapag ang Biblia ay ginawang gabay at tagapayo, ito'y naglalabas ng impluwensiya na nagpapadakila sa kaisipan ng tao. Ang pag-aaral nito higit sa alin mang iba ay dumadalisay at nag-aangat. Ito ay magpapalawak ng isipan ng isang tapat na estudyante, na pinagkakalooban ito ng mga bagong udyok at sariwang lakas. Magbibigay ito ng higit na husay sa kakayahan sa pamamagitan ng ugnayan nito sa dakila, at mga katotohanang malayo ang naaabot. . . . Hayaang ang Biblia ay tanggapin bilang pagkain ng kaluluwa, ang pinakamabuti at epektibong paraan sa paglilinis at pagpapalakas ng kaisipan.— Ibid., pp. 395, 396. KDB 14.5
Tanging sa Salita ng Diyos ating makikita ang kapangyarihan na nagtayo ng pundasyon ng lupa, at naglatag ng kalangitan. . . . Sa Salita ng Diyos ang kaisipan ay makatatagpo ng paksa para sa pinakamalalim na kaisipan, at pinakamataas na mga hangarin. Dito ay maaari nating panghawakan ang pakikisama sa mga patriyarka at mga propeta, at makinig sa tinig ng Walang hanggan sa Kanyang pakikipag-usap sa mga tao.— Ibid., p. 52. KDB 14.6