Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

114/376

Mag-aral, Abril 20

Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang anumang dapat ikahiya, na gumagamit nang wasto sa salita ng katotohanan. 2 Timoteo 2:15. KDB 119.1

Dapat espesyal na maramdaman ng mga kabataan na kailangan nilang sanayin ang kanilang mga pag-iisip, at samantalahin ang bawat pagkakataon na maging matalino, upang makapagbigay sila ng paglilingkod na katanggap-tanggap sa Kanya na nagbigay ng Kanyang napakahalagang buhay para sa kanila. At hindi dapat magkamali ang sinuman na ibilang ang kanyang sarili na may napakarami ng nalalaman na wala ng pangangailangang mag-aral pa ng mga aklat at kalikasan. KDB 119.2

Dapat na pagbutihin ng bawat isa ang bawat pagkakataong naibigay sa kanya sa kabutihan ng Diyos, upang tamuhin ang lahat ng maaaring tamuhin mula sa Kasulatan o sa siyensya. Dapat tayong matuto na maglagay ng balanseng pananaw sa mga kapangyarihang ibinigay sa atin ng Diyos. Kung kailangang magsimula ang isang kabataan sa pinakamababang hakbang ng hagdanan, hindi siya dapat panghinaan ng loob, kundi maging desididong akyatin ang bawat hakbang hanggang marinig niya ang tinig ni Cristo na nagsasabing, “Anak, umakyat ka pa nang mas mataas. Mahusay, mabuti at tapat na alipin. Naging tapat ka sa kakaunting bagay, pamamahalain kita sa maraming bagay; pumasok ka sa kagalakan ng iyong Panginoon.” . . . KDB 119.3

Mga kabataang lalaki at babae, inyo bang, bilang mga binili sa malaking halaga, pinagsikapang iharap ang inyong mga sarili na subok sa Diyos, mga manggagawang walang anumang dapat ikahiya? Ibinigay na ba ninyo sa Diyos ang inyong mahalagang talento ng tinig, at nagsikap na mabuti na magsalita nang malinaw, maliwanag, at nakahanda? . . . Ang Panginoon, na gumawa sa sangkatauhan na sakdal nang pasimula, ay tutulong sa inyong linangin ang inyong kapangyarihang pisikal at mental, at gagawin kayong angkop upang taglayin ang mga pasan at pananagutan para sa layunin ng Diyos.— Fundamentals of Christian Education, pp. 213, 215. KDB 119.4

Hindi ibinigay sa atin ang buhay upang gugulin sa katamaran o pagbibigay- lugod sa sarili, ngunit mga dakilang posibilidad ang nasa harapan ng bawat isang magpapahusay sa mga kakayanang ibinigay sa kanya ng Diyos.— Ibid., p. 416. KDB 119.5