Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

106/376

latang Mo ang Iyong Pasan sa Kanya, Abril 12

latang mo ang iyong pasan sa PANGINOON, at kanyang aalalayan ka; hindi niya pinahihintulutanq makilos kailanman ang matuwid. Awit 55:22. KDB 111.1

Hindi ka pinabayaan ni Jesus na magulat sa mga pagsubok at kahirapan na iyong hinaharap. Sinabi na Niya sa iyo ang lahat tungkol sa mga ito, at sinabi Niya rin sa iyo na huwag malumbay at maging bigo kapag dumarating ang mga pagsubok. Tumingin ka kay Jesus, ang iyong Manunubos, at maging masaya at magalak. Iyong mga pagsubok na nagmumula sa ating mga kapatid, sa mga malalapit nating kaibigan, ang pinakamahirap pasanin; ngunit maaaring pasanin na may pagtitiyaga ang mga pagsubok na ito. Si Jesus ay hindi nakahimlay sa bagong puntod ni Jose. Siya'y nabuhay, at umakyat sa kalangitan, upang doo'y mamagitan para sa atin. Mayroon tayong Tagapagligtas na namatay para sa atin dahil sa labis na pagmamahal sa atin, upang magkaroon tayo ng pag-asa at kalakasan at lakas ng loob sa pamamagitan Niya, pati na ng isang lugar kasama Niya sa Kanyang trono. Makakaya at ninanais Niyang tulungan ka sa tuwing tatawag ka sa Kanya. KDB 111.2

Kung susubukan mong dalhin ang iyong mga pasan na mag-isa, madudurog ka sa ilalim ng mga ito. Mayroon kang mabibigat na mga responsibilidad. Alam ni Jesus ang patungkol sa mga ito, at hindi ka Niya iiwan na mag-isa, kung hindi mo Siya iiwan. Napararangalan Siya kapag itinatalaga mo ang pag-iingat ng iyong kaluluwa sa Kanya na tulad ng isang tapat na Maylalang. Hinihingi Niya na umasa ka sa Kanyang habag, na naniniwalang hindi Niya ninanasang dalhin mo ang mabibigat na pasaning ito sa sarili mong lakas. Manampalataya ka lamang at makikita mo ang kaligtasan ng Diyos. . . . KDB 111.3

Napakasakit para sa iyo kapag naging kaaway mo ang nagawan mo ng maraming kabutihan, dahil napailalim siya sa isang impluwensiyang salungat sa iyo. Ngunit hindi ba ganito rin ang ginagawa mo kay Jesus kapag tumatalikod ka palayo sa Kanya? Naging pinakamabuti mo Siyang kaibigan. . . . Sinasabi Niyang magaan ang Kanyang pamatok at madali ang Kanyang pasan. Ipakita mong pinaniniwalaan mo ito. Maniwala ka sa Kanyang salita.— Testimonies for the Church, vol. 8, pp. 128, 129. KDB 111.4