Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

105/376

Ihabilin Mo ang Iyong Lakad sa Kanya, Abril 11

Ipagkatiwala mo ang iyong lakad sa PANGINOON; magtiwala ka sa kanya, at siya'y gagawa. Awit 37:5. KDB 110.1

May pagkamakasarili at ambisyon ang karaniwang mga tao na sumisira sa gawain ng Diyos. Kinakailangang mawala ang pagkamakasarili. Wala dapat maghangad na mauna, walang pagnanasang humiwalay sa mga manggagawa ng Diyos, pagsasalita at pagsusulat sa paraang panatiko tungkol sa mga bagay na hindi pa masusi at mapanalanging napag-aaralan at mapagpakumbabang naiharap sa kapulungan. KDB 110.2

Nalalapit na ang mundong hinaharap, taglay ang mga hindi nababago at mahahalagang usapin—napakalapit, totoong napakalapit, at napakalaking gawain pa ang kailangang matapos, napakaraming mahahalagang pagpapasya na kailangang gawin; ngunit isinasama pa sa inyong mga kapulungan ang mga haka-haka, mga makasariling kaisipan at panukala, mga maling kaugalian na tinanggap mula pagkapanganak, ay pinahihintulutang magkaroon ng impluwensiya. Dapat ninyong maramdamang kasalanan ang kumilos mula sa bugso ng damdamin. Dapat palagi ninyong nararamdaman na ang kapangyarihan, ang paggamit nito upang magampanan ang sarili mong mga layunin sa kabila ng mga kahihinatnan para sa iba dahil nasa posisyon ka kung saan maaari itong mangyari ay mali. Kailangan ninyong gamitin ang kapangyarihang nabigay sa inyo bilang banal at mahalagang ipinagkatiwala, na inaalalang mga lingkod kayo ng kataastaasang Diyos, at mahaharap kayo sa bawat pagpapasyang inyong ginawa sa paghuhukom. Kung hindi makasarili ang inyong mga pagkilos, at para sa kaluwalhatian ng Diyos, malalagpasan nila ang mahirap na pagsubok. Kamatayan sa espirituwal na pagsulong ang ambisyon, nagkakamali ang katalinuhan, kriminal ang katamaran; ngunit magiging matagumpay ang buhay na iginagalang ang bawat prinsipyo.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 419. KDB 110.3

Habang humahayo ang maliit na bata sa paglalakbay kung saan, sa malao't madali, kailangan niyang piliin ang sarili niyang landas, na siya mismo ang nagpapasya sa mga usapin ng buhay para sa walang hanggan, gaano ngang dapat pagsikapan na maituon ang kanyang pagtitiwala sa tiyak na Gabay at Tulong!— EDUCATION, p. 255. KDB 110.4