Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

102/376

Kayo'y Manatili sa Akin, Abril 8

Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na hindi magbubunga buhat sa kanyang sarili malibang nakakabit sa puno, gayundin naman kayo, malibang kayo'y manatili sa akin. Juan 15:4. KDB 107.1

Palagi nating kailangan ang sariwang paghahayag ni Cristo, isang pang- araw-araw na karanasan na kaayon sa Kanyang mga turo. Ang mga matataas at banal na tagumpay ay maaari nating maabot. Layunin ng Diyos para sa atin ang patuloy na pagsulong sa kaalaman at kabutihan. Ang Kanyang kautusan ay alingawngaw ng Kanyang tinig, na ibinibigay sa lahat ang paanyayang, “Pumarito kayo sa mas mataas. Maging banal kayo, higit pang banal.” Maaari tayong sumulong araw-araw sa kadalisayan ng Cristianong karakter. KDB 107.2

Silang nasasangkot sa paglilingkod para sa Panginoon ay nangangailangan ng lalo pang mataas, malalim at malawak na karanasan kaysa sa iniisip ng marami na maaari nilang makamit. Marami sa mga kaanib ng malaking sambahayan ng Diyos ang kakaunti ang nalalaman tungkol sa pagtingin sa Kanyang kaluwalhatian, at mabago mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian. Marami ang nagtataglay ng takipsilim na pagkaunawa sa kasakdalan ni Cristo, at nagagalak ang kanilang mga puso. Naghahangad sila ng higit na ganap, mas malalim na pagkadama ng pag-ibig ng Tagapagligtas. Itulot na kanilang ingatan ang bawat pagnanasa ng kaluluwa para sa Diyos. Gumagawa ang Banal na Espiritu sa kanilang nagnanais magawa, hinuhubog silang nagnanais mahubog, dinidisenyo silang nagnanais maidisenyo. Ibigay ninyo sa inyong sarili ang pagsasanay ng mga espirituwal na kaisipan at banal na pakikipag-usap. Mga unang sinag pa lamang ng maagang bukang-liwayway ang inyong nasisilayan. Habang nagpapatuloy kayo sa pagkilala sa Panginoon, matututunan ninyo na “ang landas ng matuwid ay parang liwanag ng bukang-liwayway, na sumisikat ng higit at mas maliwanag hanggang maging ganap na araw.” . . . Palaging nasa Kanyang harapan, nakita ni Cristo ang bunga ng Kanyang misyon. Ang Kanyang buhay sa lupa, na puno ng pagsisikap at pagtanggi sa sarili, ay napasaya ng kaisipang ang Kanyang paghihirap ay hindi mauuwi sa wala. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng Kanyang buhay para sa buhay ng tao, Kanyang panunumbalikin sa sangkatauhan ang larawan ng Diyos.— The Ministry of Healing, pp. 503, 504. KDB 107.3