Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

100/376

Magtiwala sa Panginoon, Abril 6

Magtiwala ka sa PANGINOON, at gumawa ka ng kabutihan; upang ikaw ay makapanirahan sa lupain at magtamasa ng katiwasayan. Awit 37:3. KDB 105.1

Dapat na mayroong kakaunting tiwala sa ating magagawa, at higit na tiwala sa magagawa ng Panginoon para at sa pamamagitan natin. Hindi mo sariling gawain ang iyong isinasagawa; isinasagawa mo ang gawain ng Diyos. Isuko mo ang iyong kalooban at daan sa Kanya. Huwag maglaan ni isa, huwag ni isang pakikipagkompromiso sa sarili. Alamin mo kung anong ibig sabihin ng pagiging malaya kay Cristo. KDB 105.2

Hindi magiging pakinabang sa atin o roon sa mga nakikinig sa atin ang pakikinig lamang sa mga sermon bawat Sabado, patuloy na pagbabasa ng Biblia, o ang pagpapaliwanag sa bawat talata nito, malibang madala natin ang mga katotohanan ng Biblia sa ating sariling karanasan. Dapat na magpasakop sa pagkontrol ng Salita ng Diyos ang pag-unawa, kalooban, at mga damdamin. Pagkatapos, sa pamamagitan ng paggawa ng Banal na Espiritu, magiging mga alituntunin ng buhay ang mga utos ng Salita. Sa paghiling mo na tulungan ka ng Panginoon, bigyang karangalan ang iyong Tagapagligtas sa pamamagitan ng paniniwalang iyong tinanggap ang Kanyang pagpapala. Abot kamay natin ang lahat ng kapangyarihan, lahat ng karunungan. Kailangan lamang nating humingi. KDB 105.3

Patuloy na lumakad sa liwanag ng Diyos. Magbulay-bulay araw at gabi sa Kanyang karakter. Kung magkagayo'y makikita mo ang Kanyang kagandahan at magagalak sa Kanyang kabutihan. Lalago ang iyong puso na may pagkadama ng Kanyang pag-ibig. Maiaangat ka na tila binubuhat ng walang-hanggang mga bisig. Mauunawaan mo ang higit na maraming bagay at makakamit ang higit pa kaysa sa iniisip mong posible sa pamamagitan ng kapangyarihan at liwanag na ibinibigay ng Diyos.— The Ministry of Healing, pp. 513, 514. KDB 105.4

Hindi tayo tinawag ni Jesus na sumunod sa Kanya, at pagkatapos ay iiwan tayo. Kung ipasasakop natin ang ating mga buhay sa Kanyang paglilingkod, hindi tayo malalagay sa lugar na hindi napaglaanan ng Diyos.— Gospel Workers, p. 263. KDB 105.5