Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

92/376

Tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga Pangako Kung Makikipagtulungan Tayo, Marso 30

Makinig ka! Ako'y nakatayo sa may pintuan at tumutuktok; kung diringgin ng sinuman ang aking tinig at buksan ang pinto, ako'y papasok sa kanya, at kakaing kasalo niya, at siya'y kasalo ko. Apocalipsis 3:20. KDB 97.1

Nakita kong marami ay mayroong maraming mga basura na nakasalansan sa pintuan ng kanilang puso kaya hindi nila mabuksan ang pinto. Ang ilan ay may mga pagtatalo sa pagitan nila at kanilang mga kapatiran na dapat alisin. Ang iba ay mayroong masamang pag-uugali, makasariling pagnanasa, na kailangang alisin bago nila mabuksan ang pinto. Ang iba ay inilagay ang sanlibutan sa harap ng pintuan ng kanilang puso, na siyang humaharang sa pinto. Ang lahat ng mga basurang ito'y dapat alisin, at pagkatapos ay mabubuksan nila ang pinto at mapapasok ang Tagapagligtas. KDB 97.2

Gaano nga kahalaga ang pangakong ito, gaya ng ipinakita sa akin sa pangitain! “Ako'y papasok sa kanya, at kakaing kasalo niya, at siya'y kasalo ko.” Oh, ang pag- ibig, ang kahanga-hangang pag-ibig ng Diyos! Pagkatapos ng ating pagiging malahininga at mga kasalanan ay Kanyang sinasabi, “Manumbalik kayo sa Akin at manunumbalik ako sa inyo, at pagagalingin ang inyong mga pagtalikod.” . . . Ang ilan, nakita ko, ay masayang magbabalik. Ang iba naman ay hindi pahihintulutang ang mensaheng ito sa iglesya ng Laodicea ay magkaroon ng anumang bigat sa kanila. Sila'y magpapatuloy, higit sa gayong pamamaraang gaya ng dati, at isusuka palabas mula sa bibig ng Panginoon. Yaong mga masigasig na nagsisisi lamang ang magkakaroon ng pagsang-ayon ng Diyos. . . . Si Jesus ay namatay upang gumawa para sa atin ng isang paraan ng pagtakas, upang magawa nating pagtagumpayan ang bawat masamang ugali, bawat kasalanan, bawat tukso, at sa huli'y umupong kasama Niya. KDB 97.3

Pribilehiyo nating magkaroon ng pananampalataya at kaligtasan. Ang kapangyarihan ng Diyos ay hindi nabawasan. Ang Kanyang kapangyarihan, nakita ko, ay malayang ibibigay ngayon tulad ng dati. Ang iglesya ng Diyos ang nawalan ng kanilang pananampalatayang umangkin, ang kanilang lakas upang makipagbuno, tulad ng ginawa ni Jacob, na umiiyak, “Hindi kita bibitawan malibang ako ay mabasbasan mo.” Ang matiyagang pananampalataya ay nawawala na. Dapat itong mabuhay muli sa mga puso ng bayan ng Diyos.— Testimonies for the Church, vol. 1, pp. 143, 144. KDB 97.4