Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

87/376

Ang Patuloy na Gabay Ay Ipinangako, Marso 25

At patuloy na papatnubayan ka ng PANGINOON, at masisiyahan ang iyong kaluluwa sa tuyong dako, at palalakasin ang iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamanang nadilig, at parang bukal na ang tubig ay hindi nauubos.Isaias 58:11. KDB 92.1

Tayo ay dapat gumamit ng karunungan at pagpapasya sa bawat pagkilos sa ating buhay, upang hindi natin, sa pamamagitan ng walang-ingat na pagkilos, mailalagay ang ating sarili sa pagsubok. Hindi natin kailangang lumagay sa mga paghihirap, na pinababayaan ang pamamaraang kaloob ng Diyos, at ginagamit sa maling paraan ang mga kakayahang ibinigay Niya sa atin. Ang mga manggagawa ni Cristo ay dapat sumunod sa Kanyang tagubilin na walang pasubali. Ang gawain ay sa Diyos, at kung ating pagpapalain ang iba, ang Kanyang mga panukala ay dapat sundin. Hindi maaaring maging sentro ang sarili; ang sarili ay di-tatanggap ng pagkilala. Kung tayo ay nagplano ayon sa ating mga ideya, tayo'y hahayaan ng Panginoon sa ating mga sariling pagkakamali. Ngunit matapos sundin ang Kanyang mga tagubilin, tayo'y dinadala sa tuwid na mga landas, Kanyang ililigtas tayo. KDB 92.2

Hindi dapat tayo sumuko sa kawalang pag-asa, sa halip sa lahat ng biglaang pangangailangan ay kailangan nating humingi ng tulong mula sa Kanya na mayroong walang-hanggang pagkukunan na nasa ilalim ng Kanyang pamamahala. Madalas na tayo'y mapalilibutan ng mga sumusubok na kalagayan, at pagkatapos, sa lubos na kompiyansa, dapat tayong magtiwala sa Diyos. Kanyang iingatan ang bawat kaluluwa na nagkaroon ng pagkalito sa kanilang pagsisikap na gawin ang daan ng Panginoon.— The Desire of Ages, p. 369. KDB 92.3

Nang . . . si Nebukadnezar sa unang pagkakataon ay kinubkob at sinakop ang Jerusalem, at dinala si Daniel at ang kanyang mga kasamahan, kasama ang iba pa na espesyal na pinili upang maglingkod sa looban ng Babilonia, ang pananampalataya ng mga bihag na Hebreo ay nasubok hanggang sa sukdulan. Ngunit yaong mga natuto na ilagak ang kanilang pagtitiwala sa mga pangako ng Diyos ay natagpuan ang mga ito na sapat sa lahat sa bawat karanasan na kung saan sila'y tinawagan upang daanan sa panahon ng kanilang pamamalagi sa isang di-kilalang lupain. Ang Kasulatan ay pinatunayan sa kanila na isang gabay at kanlungan.— Prophets and Kings, p. 428. KDB 92.4