Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

86/376

Ang Diyos Ay Kanlungan sa Panahon ng Kabagabagan, Marso 24

Sapagkat ako'y ikukubli niya sa kanyang kanlungan sa araw ng kaguluhan sa ilalim ng kanyang tolda ako'y kanyang itatago, at itataas niya ako sa ibabaw ng isang malaking bato. Awit 27:5. KDB 91.1

Ipinakita nang paulit-ulit sa akin ng Panginoon na hindi ayon sa Biblia na paghandaan ang pansamantalang pangangailangan sa panahon ng Kabagabagan. Nakita ko na kung ang mga banal ay may pagkaing kanilang inimbak, na nasa bukid sa panahon ng kabagabagan, kung kailan ang tabak, taggutom, at mga salot ay nasa lupain, ito'y kukunin sa kanila ng mga malulupit na kamay, at mga dayuhan ang mag-aani sa kanilang mga bukid. Sa gayon ito'y panahon para tayo'y lubusang magtiwala sa Diyos, at tayo'y kanyang aalalayan. Nakita ko na ang ating pagkain at tubig ay magiging sigurado sa panahong iyon, at tayo'y hindi magkukulang o makararanas ng gutom; sapagkat makakaya ng Diyos na maglatag ng hapag para sa atin sa ilang. Kung kinakailangan ay isusugo Niya ang mga uwak para tayo'y pakanin, gaya ng ginawa Niya para pakanin si Elias, o magpaulan ng mana mula sa langit, gaya ng ginawa Niya para sa mga Israelita. KDB 91.2

Ang mga bahay at mga lupain ay walang pakinabang sa mga banal sa panahon ng labagabagan, sapagkat sila sa panahong iyon ay tatakas sa nagagalit na mga grupo, at sa panahong iyon ang kanilang mga pag-aari ay hindi maibebenta para maisulong ang gawain ng kasalukuyang katotohanan. Ipinakita sa akin na kalooban ng Diyos na ang mga banal ay dapat maihiwalay sa bawat hadlang bago dumating ang panahon ng kabagabagan, at gumawa ng pakikipagtipan sa Diyos sa pamamagitan ng pagsasakripisyo.— Early Writings, pp. 56, 57. KDB 91.3

Ang panalangin ay kumikilos sa kamay ng Makapangyarihan. Siyang nagsasaayos ng mga bituin sa mga kalangitan, na ang tinig ay pumipigil sa mga alon ng dakilang kalaliman, ang parehong walang-hanggang Manlilikha ay gagawa sa kapakanan ng Kanyang bayan kung sila'y tatawag sa Kanya sa pananampalataya. KDB 91.4

Kanyang pipigilan ang puwersa ng kadiliman, hanggang sa ang babala ay mapalaganap sa sanlibutan, at lahat ng tutugon dito ay maging handa sa labanan.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 453. KDB 91.5