Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Binigyan Tayo ng Diyos ng Isang Tagapamagitan, Enero 6
Dahil dito, siya'y may kakayahang iligtas nang lubos ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan niya, yamang lagi siyang nabubuhay upang mamagitan para sa kanila. Hebreo 7:25. KDB 12.1
Ang mga pakikitagpo at pagkakaloob ng Diyos para sa ating kapakanan ay walang limitasyon. Ang luklukan ng biyaya ay mismong ang pinakamataas na atraksyon, dahil kinaroroonan ng Isang nagpapahintulot sa ating tawagin Siyang Ama. Ngunit ang prinsipyo ng kaligtasan ay hindi ipinalalagay ng Diyos na kumpleto kung maipagkaloob lamang ang Kanyang pag-ibig. Sa pagtatalaga Niya ay Kanyang inilagay sa Kanyang altar ang Tagapagtanggol na nadamtan ng ating likas. Bilang Tagapamagitan, ang Kanyang gawain ay ipakilala tayo sa Diyos bilang Kanyang mga anak na lalaki at babae. Si Cristo ay namamagitan para sa mga taong tumanggap sa Kanya. Sa kanila ay ibinigay Niya ang kapangyarihan, sa bisa ng Kanyang sariling mga gawa, para maging mga kaanib sa maharlikang pamilya, mga anak ng makalangit na Hari. At ang Ama ay nagpakita ng Kanyang walang-hanggang pag-ibig para kay Cristo, na Siyang nagbayad ng ating katubusan sa pamamagitan ng sarili Niyang dugo, sa pamamagitan ng pagtanggap at pagpapatuloy sa mga kaibigan ni Cristo bilang Kanyang kaibigan. Siya ay nasiyahan sa katubusang ginawa. Siya ay naluwalhati sa pagkakatawang-tao, sa buhay, kamatayan, at pamamagitan ng Kanyang Anak. KDB 12.2
Pagkatapos mismo na ang anak ng Diyos ay lumapit sa luklukan ng awa na siya ay nagiging kliente ng dakilang Tagapamagitan. Sa unang pagbigkas niya ng kanyang pagsisisi at kahilingan para sa kapatawaran, tinatanggap ni Cristo ang kanyang kaso, at ginagawa itong Kanya, na dinadala sa harapan ng Ama ang pakiusap bilang sarili Niyang pakiusap. KDB 12.3
Habang si Cristo ay namamagitan para sa atin, bukas na inilatag ng Ama ang lahat ng kayamanan ng Kanyang biyaya para ilaan sa atin, para tamasahin at para ibahagi sa iba. . . . KDB 12.4
Nais ng Diyos ang Kanyang mga masunuring mga anak na angkinin ang mga pagpapala, at lumapit sa Kanyang harapan na taglay ang papuri at pasasalamat. Ang Diyos ang Bukal ng buhay at kapangyarihan.— Testimonies for the Church, vol. 6, pp. 363, 364. KDB 12.5