Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

6/376

Ginawa ng Panginoon ang mga Kalangitan, Enero 5

Sapagkat lahat ng diyos ng mga bayan ay mga diyus-diyosan; ngunit ang Panginoon ang gumawa ng mga langit. 1 Cronica 16:26. KDB 11.1

Ang araw na sumisikat sa mga langit ay kumakatawan sa Kanya na Siyang buhay at liwanag ng lahat ng Kanyang ginawa. Ang lahat ng liwanag at kagandahan na pinalalamutian ang lupa at nagbibigay liwanag sa kalangitan, ay nagsasalita tungkol sa Diyos. . . . Ang lahat ng mga bagay ay nagsasalita tungkol sa magiliw, makaamang pangangalaga, at ng Kanyang pagnanais na gawing maligaya ang Kanyang mga anak. Ang malakas na kapangyarihang gumawa sa lahat ng kalikasan at umaalalay sa lahat ng mga bagay ay hindi, na gaya ng ipinahahayag ng mga tao ng siyensya, isang lumalaganap sa lahat na prinsipyo, isang enerhiyang nagpapakilos. Ang Diyos ay Espiritu; subalit Siya ay isang Personalidad; na ganito Niya ipinakilala ang Kanyang sarili: KDB 11.2

“Ngunit ang Panginoon ang tunay na Diyos;
siya ang buhay na Diyos at walang hanggang Hari. . . .
Ang mga diyos na hindi gumawa ng langit at ng lupa ay malilipol sa lupa, at sa
silong ng mga langit.”
KDB 11.3

Ang mga gawa ng Diyos sa kalikasan ay hindi Diyos mismo sa kalikasan. Ang mga bagay ng kalikasan ay kapahayagan ng karakter at kapangyarihan ng Diyos; ngunit huwag nating ibilang na Diyos ang kalikasan. Ang husay sa sining ng mga tao ay nagbubunga ng napakagagandang mga gawa, mga bagay na nakatutuwa sa paningin, at ang mga bagay na ito ay naghahayag sa atin ng bagay sa isipan ng taga-disenyo; ngunit ang bagay na ginawa ay hindi ang gumawa. Hindi ang ginawa kundi ang gumawa, ang ibinibilang na karapat-dapat ng pagkilala. Kaya kung paanong ang kalikasan ay kapahayagan ng isipan ng Diyos, hindi ang kalikasan, kundi ang Diyos ng kalikasan ang itinataas. . . . Sa paglikha ng mundo, ang Diyos ay hindi nangailangan ng mga umiiral na mga bagay. . . . Ang lahat ng mga bagay, materyal o espirituwal, ay tumayo sa harapan ng Diyos sa Kanyang tinig, at nilikha ayon sa Kanyang sariling layunin.— The Ministry of Healing, pp. 412-414. KDB 11.4