Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Sakdal na Kapayapaan Ay Ipagkakaloob, Marso 22
Iyong iingatan siya sa ganap na kapayapaan, na ang pag-iisip ay nananatili sa iyo, sapagkat siya'y nagtitiwala sa iyo.Isaias 26:3. KDB 89.1
Alisin ang iyong kawalang-pagtitiwala sa ating Ama sa langit. Sa halip na magsalita tungkol sa iyong mga pagdududa, lumayo ka sa mga ito sa pamamagitan ng lakas ni Jesus, at hayaang ang liwanag ay suminag sa iyong kaluluwa sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa iyong tinig na magpahayag ng kasiguruhan at pagtitiwala sa Diyos. Alam ko na ang Diyos ay napakalapit para magbigay sa iyo ng tagumpay, at sinasabi ko sa iyo, Maging isang tinulungan, isang pinalakas, isang iniangat mula at palayo sa kadiliman ng hukay ng kawalang-paniniwala. Ang mga pagdududa ay dumadagsa sa iyong isipan, dahil sinisikap ni Satanas na hawakan ka sa pagkabihag sa kanyang malupit na kapangyarihan, ngunit harapin siya sa kapangyarihang handang ibigay ni Jesus sa iyo, at pagtagumpayan ang pagkahilig na magpahayag ng kawalang-pagtitiwala sa iyong Tagapagligtas. KDB 89.2
Huwag magsalita tungkol sa iyong kawalang-kaya at iyong mga kakulangan. Kapag ang kawalang-pag-asa ay parang lumalaganap sa iyong kaluluwa, tumingin kay Jesus, na nagsasabing, Siya'y nabubuhay upang mamagitan para sa akin. Kalimutan ang mga bagay na nakalipas, at maniwala sa pangako, “Ako'y darating sa iyo,” at “makakasama ninyo.” . . . KDB 89.3
Ito'y iyong pribilehiyo na magtiwala sa pag-ibig ni Jesus para sa kaligtasan, sa pinaka-ganap, pinaka-sigurado, at pinakamarangal na paraan; na sabihing, Iniibig Niya ako, tinatanggap Niya ako; magtitiwala ako sa Kanya, dahil ibinigay Niya ang Kanyang buhay para sa akin. Walang makapag-aalis ng pagdududa na gaya ng sa pakikipag-ugnayan sa karakter ni Cristo. Kanyang sinabi, “ang lumalapit sa akin kailanman ay hindi ko itataboy;” iyon ay, hindi mangyayaring Ako'y magtataboy sa kanya, sapagka't Ako'y sumumpa sa Aking salita na tatanggapin siya. Pagkatiwalaan si Cristo sa Kanyang salita, at hayaang ang iyong mga labi ay magpahayag na ikaw ay nagkamit ng tagumpay. . . . Ang kapayapaan ang dumarating sa pamamagitan ng pagtitiwala sa banal na kapangyarihan. Sa sandaling ang kaluluwa ay kumilos na ayon sa liwanag na ibinigay, ang Banal na Espiritu ay nagbibigay ng higit na liwanag at lakas.— Testimonies to Ministers and Gospel Workers, pp. 516-518. KDB 89.4