Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

79/376

Hinahanap ng Ama ang Tunay na Sumasamba, Marso 17

Subalit dumarating ang oras at ngayon na nga, na sasambahin ng mga tunay na sumasamba ang Ama sa espiritu at katotohanan, sapagkat hinahanap ng Ama ang gayong mga sumasamba sa kanya. Juan 4:23. KDB 84.1

Tayo'y nabubuhay sa kapanahunan kung saan ang lahat ay dapat na espesyal na pakinggan ang utos ng Tagapagligtas, “Kayo'y maging handa at manalangin, upang hindi kayo madaig ng tukso.” Isa sa matitinding tukso sa iyo ay ang kawalang-paggalang. Ang Diyos ay mataas at banal; at sa mapagpakumbaba, nananampalatayang kaluluwa, ang Kanyang tahanan na nasa lupa, ang lugar kung saan ang Kanyang bayan ay nagtitipon para sa pagsamba, ay tulad ng pintuan ng langit. Ang awit ng papuri, ang mga salitang ipinahayag ng mga ministro ni Cristo, ay mga hinirang na ahensya ng Diyos upang ihanda ang isang bayan para sa iglesya sa itaas, para sa mas mataas na pagsamba na kung saan hindi makapapasok ang marumi, at hindi banal. . . . KDB 84.2

Huwag magkaroon ng napakaliit na paggalang sa bahay at pagsamba sa Diyos na nakikipag-usap sa isa't isa sa panahon ng sermon. Kung yaong mga gumawa ng pagkakamaling ito ay makita ang mga anghel ng Diyos na nakatingin sa kanila na minamarkahan ang kanilang mga ginagawa, mapupuno sila ng kahihiyan at pagkasuklam sa kanilang sarili.— Messages to Young People, pp. 265, 266. KDB 84.3

Yaong mga ayaw talikuran ang bawat kasalanan at hanaping taimtim ang pagpapala ng Diyos, ay hindi makakukuha nito. Ngunit lahat ng nanghahawakan sa mga pangako ng Diyos tulad ng ginawa ni Jacob, at magiging masigasig at nagsisikap tulad niya, ay magtatagumpay gaya ng kanyang pagtatagumpay.— Patriarchs and Prophets, p. 203. KDB 84.4

Huwag kaligtaan ang lihim na pananalangin, sapagkat ito ang kaluluwa ng relihiyon. Sa taimtim, masidhing pananalangin, humiling para sa kadalisayan ng kaluluwa. Taimtim na makiusap, na nasasabik, gaya ng gagawin mo para sa iyong mortal na buhay kung ito ay nasa panganib. Manatili sa harap ng Diyos hanggang sa ang di-mabigkas na pagnanasa ay lumabas sa kalooban mo para sa kaligtasan, at ang matamis na katibayan ng pinatawad na kasalanan ay makuha.— Messages to Young People, p. 268. KDB 84.5