Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

77/376

Kanyang Hinahanap ang mga Bata, Marso 15

Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na bata, Huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat sa mga ganito nauukol ang kaharian ng Diyos. Tunay na sinasabi ko sa inyo, ang sinumang hindi tumanggap sa kaharian ng Diyos na tulad sa isang maliit na bata, ay hindi makakapasok doon. Marcos 10:14, 15. KDB 82.1

Si Cristo sa panahong ito ay ang parehong mahabaging Tagapagligtas na gaya nang lumakad Siya kasama ng mga tao. Siya ay talagang matulungin pa rin sa mga ina ngayon sa kung paanong tinipon Niya noon sa Kanyang mga braso ang mga bata sa Judea. Ang mga bata sa ating mga tahanan ay mga binili rin ng Kanyang dugo na gaya ng mga bata noon matagal ng panahon. . . . Nang sinabi ni Jesus sa mga alagad na huwag pagbawalan ang mga bata na lumapit sa Kanya, Siya'y nakikipag-usap sa Kanyang mga tagasunod sa lahat ng panahon—sa mga opisyal ng iglesya, ministro, lingkod, at lahat ng mga Cristiano. Pinapalapit ni Jesus ang mga bata, at sinasabihan tayong, “huwag ninyo silang pagbawalang lumapit;” na parang Kanyang sinasabi, “Sila'y lalapit kung sila'y hindi ninyo pipigilan.” Huwag hayaang ang mga karakter ninyo na di-tulad ng kay Cristo ay magdulot ng maling pagkakilala kay Jesus. Huwag ninyong hayaang ang mga maliliit ay malayo sa Kanya dahil sa inyong panlalamig at pagiging marahas. Huwag ninyo silang bibigyan ng dahilan para maramdaman na ang langit ay hindi kaaya-ayang lugar kung kayo ay naroroon. . . . KDB 82.2

Huwag kayong magbibigay sa kanila ng maling impresyon na ang relihiyon ni Cristo ay relihiyong malungkot, at ang paglapit sa Tagapagligtas ay kailangang iwan nila ang lahat ng nagpapasaya sa buhay. KDB 82.3

Sa pagkilos ng Banal na Espiritu sa mga puso ng mga bata, makipagtulungan sa Kanyang gawain. Sila'y turuang tinatawag sila ng Tagapagligtas, na walang anumang makapagbibigay sa Kanya ng higit na kaligayahan kaysa ang ipagkaloob nila ang kanilang sarili sa Kanya sa pamumukadkad at kasariwaan ng kanilang mga taon. KDB 82.4

Ang Tagapagligtas ay pinapahalagahan na may walang-hanggang pag-ibig ang mga kaluluwang Kanyang binili sa pamamagitan ng Kanyang dugo. Sila ang mga inaangkin ng Kanyang pag-ibig. Siya ay tumitingin sa kanila na may di- mabigkas na pananabik.— The Ministry of Healing, pp. 41-44. KDB 82.5