Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Ako'y Kasama Mo Upang Iligtas Ka, Marso 2
At gagawin kita para sa bay ang ito na pinatibay na pader na tanso; lalaban sila sa iyo, ngunit hindi sila magtatagumpay laban sa iyo; sapagkat ako'y kasama mo upang iligtas kita at sagipin kita, sabi ng PANGINOON. Jeremias 15:20. KDB 69.1
Nakita ko ang isang anghel na nakatayo na may timbangan sa kanyang mga kamay, na tinitimbang ang mga isipan at naisin ng bayan ng Diyos, lalo na ang mga kabataan. Sa isang timbangan ay mga saloobin at interes na nakahilig sa langit; sa kabila ay ang mga saloobin at interes na nakahilig sa lupa. At sa mga timbangang ito'y inihagis ang lahat ng pagbabasa ng mga aklat ng kuwento, saloobin ng pananamit at palabas, kapalaluan, kayabangan, at iba pa. Oh, isang taimtim na sandali! Ang mga anghel ng Diyos ay nakatayong may mga timbangan, tinitimbang ang mga kaisipan ng nagpapakilalang Kanyang mga anak—yaong mga nag-aangking patay na sa sanlibutan at buhay sa Diyos. Ang timbangang puno ng mga kaisipan ng sanlibutan, kayabangan, at pagmamataas ay mabilis na bumaba, sa kabila nito ay dagdag na bigat matapos ang una ang pinagsama sa timbangan. Yaong isang ang saloobin at interes at nakahilig tungo sa Langit ay mabilis na umakyat habang yung isa ay pababa, at ito'y napakagaan! Maaari kong iugnay ito gaya ng nakita ko; ngunit hindi ko maibibigay ang solemne at matingkad na impresyong nakatatak sa isipan ko, habang aking nakikita ang mga anghel na may timbangan na tinitimbang ang mga saloobin at interes ng bayan ng Diyos. Sinabi ng anghel: “makapapasok kaya ang gayon sa langit? Hindi, hindi, hindi maaari. Sabihin mo sa kanila na ang pag-asa na ngayon ay mayroon sila ay walang kabuluhan, at malibang sila'y agad na magsisi, at magtamo ng kaligtasan, nararapat silang mapahamak.” KDB 69.2
Ang anyo ng kabanalan ay hindi makapagliligtas ng sinuman. Ang lahat ay kailangang magkaroon ng malalim at buhay na karanasan. Ito lamang ang makapagliligtas sa kanila sa panahon ng kapighatian. Pagkatapos ay susubukin ang kanilang mga gawa kung ano ang mga ito; kung ito'y ginto, pilak, at mahahalagang mga bato, sila'y maitatago na gaya sa lihim na pabilyon ng Panginoon. Ngunit kung ang kanilang gawa ay kahoy, dayami o tuyong dahon, walang maaaring magprotekta sa kanila sa bangis ng galit ni Jehova.— Testimonies for the Church, vol. 1, pp. 124, 125. KDB 69.3