Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

48/376

Sa Pamamagitan Lamang ng Kanyang Kaawaan na Hindi Tayo Natupok, Pebrero 15

Ngunit ito'y naaalala ko, kaya't mayroon akong pag-asa: Ang tapat na pag-ibig ng PANGINOON ay hindi nagmamaliw, ang kanyang mga habag ay hindi natatapos. Panaghoy 3:21, 22. KDB 53.1

Ang pamamaraan ng pagtulong ng Panginoon ay maaaring hindi natin nalalaman; ngunit ito ang nalalaman natin: Hindi Niya kailanman bibiguin ang mga nagtitiwala sa Kanya.—Prophets and Kings, p. 576. KDB 53.2

Ang pag-ibig ng Diyos para sa nagkasalang lahi ay isang natatanging pagpapahayag ng pag-ibig—isang pag-ibig na bunga ng kahabagan; sapagkat ang mga tao'y hindi karapat-dapat. Ang habag ay nagpapahiwatig ng di- kasakdalan ng bagay kung saan ito ipinakikita. Dahil sa kasalanan kung bakit ang kahabagan ay nadala sa aktibong paggamit. . . . KDB 53.3

Ang mga anghel ay tumitingin na may pagkamangha at paghanga sa misyon ni Cristo sa mundo. Namangha sila sa pag-ibig na nagtulak sa Kanya upang ibigay ang Kanyang sarili bilang isang sakripisyo para sa mga kasalanan ng tao. Ngunit gaano kababaw ang pagpapalagay ng mga tao sa pagtubos ng Kanyang dugo!— Testimonies for the Church, vol. 7, pp. 264-266. KDB 53.4

Ang mga nakakasama natin araw-araw ay nangangailangan ng ating tulong, ng ating patnubay. Maaaring sila ay nasa isang kalagayan ng pag-iisip na ang isang salita na sinasalita sa tamang panahon ay magiging gaya ng isang pako sa kanyang tiyak na paglalagyan. Kinabukasan ang ilan sa mga kaluluwang ito'y maaaring nasa lugar kung saan hindi na natin sila muling maaabot. Ano ang ating impluwensiya sa mga kapwa manlalakbay na ito?— Prophets and Kings, p. 348. KDB 53.5

Ang Diyos na ating pinaglilingkuran ay may mahabang pagtitiis; “Ang kanyang mga habag ay hindi natatapos.” Sa buong panahon ng oras ng pagsubok, ang Kanyang Espiritu ay nagsusumamo sa mga taong tanggapin ang kaloob ng buhay. . . . Isang natatanging gawain ni Satanas ang akayin ang tao sa kasalanan, at pagkatapos ay iiwan siya roon, walang-kaya at walang pag-asa, natatakot na humingi ng kapatawaran. Ngunit ang Diyos ay nag-aanyaya, “Kumapit sila sa akin upang mapangalagaan, makipagpayapaan sila sa akin.” . . . Kay Cristo ang bawat pagkakaloob ay nagawa na, bawat pagpapalakas ng loob ay inialok.— Prophets and Kings, pp. 325, 326. KDB 53.6