Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

44/376

Ang Pag-ibig ng Diyos Ay Hindi Ituturing na Walang Sala ang May Sala, Pebrero 11

Na nag-iingat ng wagas na pag-ibig para sa libu-libo, nagpapatawad ng kasamaan, ng pagsuway, at ng kasalanan, ngunit sa anumang paraan ay hindi ituturing na walang sala ang may sala. Exodo 34:7. KDB 49.1

Malapit ng magkaroon ng biglaang pagbabago sa mga pakikitungo ng Diyos. Ang mundo sa kasamaan nito ay lumalaganap ang kamatayan— sa pamamagitan ng mga baha, bagyo, sunog, lindol, taggutom, digmaan, at patayan. Ang Panginoon ay banayad sa pagkagalit, at dakila sa kapangyarihan; ngunit sa anumang paraan ay hindi pawawalang-sala ang nagkasala. “Ang kanyang daan ay sa ipo-ipo at sa bagyo, at ang mga ulap ay siyang alabok ng kanyang mga paa.” O na maunawaan sana ng mga tao ang pagtitiyaga at mahabang pagtitiis ng Diyos! Inilalagay Niya sa ilalim ng pagpipigil ang Kanyang sariling mga katangian. Ang Kanyang makapangyarihang lakas ay nasa ilalim ng kontrol ng Pinakamakapangyarihan sa lahat. O na maunawaan sana ng mga tao na tumatanggi ang Diyos na mapagod sa kabuktutan ng mundo, ngunit patuloy na ipinaabot ang pag-asa ng kapatawaran kahit sa pinakahindi karapat-dapat! Ngunit ang Kanyang pagpipigil ay hindi laging magpapatuloy. Sino ang handa sa biglaang pagbabago na magaganap sa pakikitungo ng Diyos sa mga makasalanang tao? Sino ang magiging handa na takasan ang parusa na siguradong daranasin ng mga lumalabag? KDB 49.2

Wala tayong pansumandaling milenyo kung saan gagawin natin ang gawain ng pagbibigay-babala sa mundo. Mayroong pangangailangan ng pagbabago ng kaluluwa. Ang pinakamabisang katalinuhan na maaaring matamo ay makukuha sa paaralan ni Cristo.— Fundamentals of Christian Education, pp. 356, 357. KDB 49.3

Ang Diyos ay nagbigay sa mga tao ng pagpapahayag ng Kanyang karakter, at ng Kanyang pamamaraan ng pakikitungo sa kasalanan. . . . Ang kapangyarihan at awtoridad ng banal na pamahalaan ay gagamitin upang masugpo ang rebelyon; ngunit ang lahat ng mga pagpapahayag ng hustisyang nagpaparusa ay magiging lubos na naaayon sa karakter ng Diyos bilang maawain, matiisin, at mabuti.— The Great Controversy, p. 541. KDB 49.4