Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Ang Diyos at si Cristo Ay lisa, Enero 3
Ang mga ibinigay sa akin ng aking Ama ay higit na dakila kaysa lahat, at walang makakaagaw ng mga ito sa kamay ng Ama. Ako at ang Ama ay iisa. Juan 10:29, 30. KDB 9.1
Bilang isang persona, ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang Anak. Si Jesus, ang kaningningan ng kaluwalhatian ng Ama, “at tunay na larawan ng kanyang likas,” ay nasa sanlibutan na natagpuan bilang isang tao. Bilang personal na Tagapagligtas, naparito Siya sa sanlibutan. Bilang personal na Tagapagligtas, Siya ay umakyat sa kaitaasan. Bilang personal na Tagapagligtas, Siya ay namamagitan doon sa korte sa langit. Sa harapan ng trono ng Diyos ay naglilingkod para sa atin na “isang katulad ng isang Anak ng Tao.” KDB 9.2
Si Cristo, ang liwanag ng sanlibutan, tinakpan ang nagniningning na kagandahan ng Kanyang pagka-Diyos, at naparito para mamuhay bilang tao sa kalagitnaan ng mga tao, upang sila, na hindi natutupok, ay makilala ang kanilang Manlilikha. Walang taong nakakita sa Diyos sa anumang pagkakataon, malibang Siya ay ipinahayag sa pamamagitan ni Cristo. KDB 9.3
“Ako at ang Ama ay iisa,” pahayag ni Cristo . . . Naparito si Cristo para turuan ang mga tao ng nais Niyang malaman nila. Sa kalangitan sa itaas, sa lupa, ss malawak na tubig ng karagatan, makikita natin ang gawa ng Diyos. Lahat ng mga bagay na nilikha ay nagpapatotoo sa Kanyang kapangyarihan, sa Kanyang karunungan, sa Kanyang pag-ibig. Ngunit hindi mula sa mga bituin o sa karagatan o sa talon natin matututunan ang personalidad ng Diyos kundi sa ipinahayag sa pamamagitan ni Cristo. KDB 9.4
Nakita ng Diyos na ang mas maliwanag na kapahayagan kaysa kalikasan ay kinakailangan para ilarawan ang Kanyang personalidad at Kanyang karakter. Sinugo Niya ang Kanyang Anak sa sanlibutan para ihayagang ang likas at katangian ng hindi nakikitang Diyos, sa paraang makakayang tingnan ng tao. KDB 9.5
. . . Siya ang banal na Guro, ang Tagapagbigay-liwanag. Kung naisip ng Diyos na tayo'y nangangailangan ng pahayag liban pa sa nagawa sa pamamagitan ni Cristo, at sa Kanyang nasusulat na Salita, Kanya sana itong ibinigay.— Testimonies for the Church, vol. 8, pp. 265, 266. KDB 9.6