Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Ang Misyon ni Cristo Ay Inudyukan ng Pag-ibig ng Ama, Pebrero 9
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Juan 3:16. KDB 47.1
Anong wika ang buong lakas na makapaghahayag ng pag-ibig ng Diyos para sa pamilya ng sangkatauhan tulad ng naipahayag sa pamamagitan ng kaloob ng Kanyang bugtong na Anak para sa ating kaligtasan. Ang Walang-Sala ang pumasan ng parusa ng makasalanan.—Testimonies for the Church, vol. 8, p. 208. KDB 47.2
Ang kapahayagan ng pag-ibig ng Diyos sa tao ay nakasentro sa krus. Ang buong kabuluhan nito ay hindi mabibigkas ng dila; hindi mailalarawan ng panulat; hindi mauunawaan ng isipan ng tao. Sa pagtingin natin sa krus ng kalbaryo masasabi lang nating, “Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” KDB 47.3
Si Cristo na ipinako para sa ating mga kasalanan, si Cristo na nabuhay mula sa mga patay, si Cristo na umakyat sa kaitaasan, ay ang siyensya ng kaligtasan na ating pag-aaralan at ituturo. . . . Narito ang walang-hanggang karunungan, walang-hanggang pag-ibig, walang-hanggang katarungan, walang-hanggang kahabagan,—”ang kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Diyos.”— Ibid., p. 287. KDB 47.4
Ang pagkakaroon ng likas ng tao sa Kanyang sarili, si Cristo ay naging isa sa sangkatauhan, at kasabay nito ay ihayag ang ating makalangit na Ama sa makasalanang mga tao.— Ibid., p. 286. KDB 47.5
Ang paboritong tema ni Cristo ay ang makaamang pag-uugali at masaganang pag-ibig ng Diyos. Ang kaalamang ito sa Diyos ay ang sariling kaloob ni Cristo para sa mga tao, at ang kaloob na ito ay Kanyang ipinagkatiwala sa Kanyang mga tagasunod upang kanilang maipabatid sa mundo.— Ibid., vol. 6, p. 55. KDB 47.6
Ang mga kabataan ay binili sa walang-hanggang halaga, ito ay sa pamamagitan ng dugo ng Anak ng Diyos. Isipin ang sakripisyo ng Ama sa pagpahintulot sa Kanyang anak na gawin ang sakripisyo na ito.— Messages to young People, p. 16. KDB 47.7