Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Nagbibigay ang Diyos ng Bawat Mabuting Kaloob, Pebrero 7
Ang bawat mabuting kaloob at ang bawat sakdal na kaloob ay pawang buhatsa itaas, na nanggagaling sa Ama ng mga ilaw, na sa kanya ay walang pag-iiba,o anino man ng pagbabago. Santiago 1:17. KDB 45.1
Ang puso ng Panginoon ay nananabik sa Kanyang mga anak sa sanlibutan ng pag-ibig na mas matatag kaysa kamatayan. Sa pagsuko Niya sa kanyang Anak, ibinuhos Niya sa atin ang buong kalangitan sa isang kaloob. Ang buhay, kamatayan at pamamagitan ng Tagapagligtas, ang ministeryo ng mga anghel, ang pagsusumamo ng Espiritu, ang Ama na gumagawa ng higit at sa pamamagitan ng lahat, ang walang tigil na interes ng mga makalangit na nilalang—lahat ay kasangkot para sa kaligtasan ng tao. . . . KDB 45.2
Hindi ba natin pahahalagahan ang habag ng Diyos? Ano pa ang magagawa Niya? Ilagay natin ang ating mga sarili sa tamang relasyon sa Kanya na umibig sa atin nang may kamangha-manghang pag-ibig. Magkaroon tayo sa ating mga sarili ng mga pamamaraan na ibinigay sa atin upang tayo ay mabago sa Kanyang wangis, at manumbalik sa pakikisama ng mga nagmiministeryo na anghel, sa pakikipagkaisa at pakikipag-ugnayan sa Ama at sa Anak.— Steps to Christ, pp. 21, 22. KDB 45.3
Ang kalikasan at ang pahayag ay parehong nagpapatotoo sa pag-ibig ng Diyos. Ang Ama natin sa langit ang pinagmumulan ng buhay, ng karunungan, at ng kaligayahan. Tingnan ang kahanga-hanga at magagandang mga bagay ng kalikasan. Isipin ang kanilang kagila-gilalas na pag-angkop sa mga pangangailangan at kasiyahan, hindi lang ng tao, kundi ng lahat ng nabubuhay na mga nilalang. KDB 45.4
Ang sikat ng araw at ng ulan, na nagpapasaya at nagpapapresko sa lupa, ang mga burol at mga dagat at mga kapatagan, lahat ay naghahayag sa atin ng pag- ibig ng Manlalalang. Ang Diyos ang Siyang nagtutustos ng pang-araw-araw na pangangailangan ng lahat ng Kanyang mga nilalang. . . . Ang mundo, bagaman nagkasala, ay hindi lahat pagdadalamhati at pagdurusa. Sa kalikasan mismo ay may mga mensahe ng pag-asa at kaaliwan. May mga bulaklak sa mga dawagan, at ang mga tinik ay nababalutan ng mga rosas.— Ibid., pp. 9,10. KDB 45.5