Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

36/376

Hinahanap ng Diyos ang Kanyang mga Tupa, Pebrero 3

Kung paanong hinahanap ng pastol ang kanyang kawan kapag ang ilan sa kanyang mga tupa ay nangangalat, gayon ko hahanapin ang aking mga tupa; at ililigtas ko sila sa lahat ng dako na kanil nanq pinanqalatan sa araw na maulap at makapal na kadiliman. Ezekiel 34:12. KDB 41.1

Ang mga tao ay maaaring tanggihan ang pagpapahayag ng Kanyang pag-ibig, maaaaring sila ay lumihis mula sa Kanya, maaaring sila ay pumili ng ibang panginoon; ngunit sila ay sa Diyos, at Siya'y nag-aasam na mapanumbalik ang Kanya. . . . Sa talinghaga ang pastol ay umalis upang hanapin ang isang tupa—ang pinakakaunti na maaaring bilangin. Kaya kung may isang nawalang kaluluwa, ibibigay ni Cristo ang Kanyang buhay para sa isang iyon. Ang tupang lumihis mula sa kawan ay ang pinakamahina sa lahat ng nilalang. Nararapat siyang hanapin ng pastol, sapagkat hindi niya makita ang daan pabalik. Ganoon din ang kaluluwang naligaw papalayo sa Diyos; kasinghina siya ng naliligaw na tupa, at maliban kung ang pag-ibig ng Diyos ay dumating upang iligtas siya, hinding-hindi niya makikita ang daan pabalik sa Diyos. KDB 41.2

Ang pastol na nakatuklas na ang isa sa mga tupa ay nawawala, ay hindi pabayang titingin sa kawan na ligtas na nakapaloob, at sasabihing, “Mayroon akong siyamnapu't siyam, at malaking abala ang idudulot sa akin kung ako'y aalis upang hanapin ang isang naliligaw. Hayaan mo siyang bumalik, at bubuksan ko ang pinto ng kawan upang papasukin siya.” Hindi; hindi nagtatagal matapos maligaw ang tupa, ang pastol ay puno ng pighati at pagkabalisa. Kanyang binibilang at muling binibilang ang kawan. . . . Kanyang iiwan ang siyamnapu't siyam sa loob ng kulungan, at hahayo upang hanapin ang naliligaw na tupa. . . . Sa wakas, ang kanyang pagsisikap ay ginantimpalaan; ang nawala ay natagpuan. . . . Ang talinghaga ay hindi nagsasabi ng pagkabigo, kundi ng tagumpay, at kaligayahan sa pagpapanumbalik. Ito ang banal na kasiguruhan na ni isa sa mga nawawalang tupa sa kawan ay hindi kinaligtaan ng Diyos, walang hindi sinaklolohan. Lahat ng magpapasakop upang matubos, ililigtas ni Cristo mula sa hukay ng kasiraan, at mula sa matinik na palumpong ng kasalanan.— Christ’s object Lessons, pp. 187, 188. KDB 41.3