Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

310/376

Naglibot si Jesus na Gumagawa ng Mabuti, Oktubre 28

Kung paanong si Jesus na taga-Nazaret ay binuhusan ng Diyos ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan; kung paanong naglibot siya na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling ng lahat ng mga pinahihirapan ng diyablo, sapagkat kasama niya ang Diyos. Gawa 10:38. KDB 316.1

Natubos ang mga tagasunod ni Cristo para sa paglilingkod. Itinuturo ng ating Panginoon na ang tunay na layon ng buhay ay ministeryo. Si Cristo mismo ay isang manggagawa, at ibinibigay Niya ang kautusan ng paglilingkod sa lahat ng Kanyang mga tagasunod—paglilingkod sa Diyos at sa kanyang kapwa. Dito'y inilahad ni Cristo sa sanlibutan ang isang higit na mataas na konsepto ng buhay kaysa sa kanilang nakilala. Sa pamamagitan ng pamumuhay upang maglingkod sa iba, nadadala ang tao sa pagkakaugnay kay Cristo. Ang kautusan ng paglilingkod ay nagiging nag-uugnay na kawing na nagbubuklod sa atin sa Diyos at sa ating kapwa-tao. KDB 316.2

Ipinagkakatiwala ni Cristo sa Kanyang mga lingkod ang “Kanyang ari-arian”—na dapat gamitin para sa Kanya. Ibinibigay Niya sa “bawat isa ang kanyang gawain.” Ang bawat isa'y may sariling lugar sa walang-hanggang panukala ng kalangitan. Ang bawat isa'y dapat na gumawa na nakikipagtulungan kay Cristo para sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Katulad lamang ang katiyakan ng inihandang lugar para sa atin sa makalangit na mga mansyon sa natatanging lugar na itinalaga sa lupa kung saan tayo dapat na gumawa para sa Diyos.— Christ’s object Lessons, pp. 326, 367. KDB 316.3

Ang buhay Niya'y patuloy na pagsasakripisyo ng sarili. Wala Siyang tahanan sa sanlibutang ito, maliban sa nagbuhat sa kabutihan ng mga kaibigan na ibinibigay para sa Kanya bilang isang manlalakbay. Dumating Siya upang mamuhay para sa atin ng buhay ng pinakamahirap, at lumakad at gumawa sa gitna ng mga nangangailangan at nagdurusa. Hindi kilala at walang karangalan, lumakad Siya papasok at palabas sa gitna ng mga taong ginawan Niya ng napakarami. . . . KDB 316.4

Sa panahon ng Kanyang ministeryo, itinalaga ni Jesus ang higit na panahon sa pagpapagaling sa may karamdaman kaysa sa pangangaral. Nagpatotoo sa katotohanan ng Kanyang mga salita ang Kanyang mga himala, na Siya'y dumating hindi upang mangwasak, kundi upang magligtas. Saanman Siya nagtungo, nauna sa Kanya ang pabalita ng Kanyang habag. Kung saan Siya nagdaan, nagagalak sa kalusugan ang mga layon ng Kanyang pagmamahal, at sinusubukan ang mga bago nilang tuklas na kapangyarihan.— The Ministry of Healing, p. 19. KDB 316.5