Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

27/376

Dapat Nating Ituro ang mga Tao kay Jesus, Enero 26

Kinabukasan, nakita ni Juan si Jesus na lumalapit sa kanya, at kanyang sinabi, Narito ang Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan! Juan 1:29. KDB 32.1

May dakilang gawain na dapat tapusin, at bawat posibleng paraan ay dapat gawin para ipakilala si Cristo bilang Tagapagligtas na nagpapatawad ng kasalanan, si Cristo bilang Tagapagdala ng kasalanan, si Cristo bilang maliwanag at Tala sa umaga; at ang Panginoon ay magbibigay ng lingap sa harapan ng sanlibutan hanggang sa ang ating gawain ay matapos. Habang ang apat na hangin ay hinahawakan ng mga anghel, kailangan nating gumawa gamit ang lahat ng ating mga kakayahan. Kailangan nating dalhin ang mensahe na walang pagpapaliban. Kailangan nating magbigay ng patunay sa makalangit na kalawakan, at sa mga tao sa masamang panahong ito, na ang ating relihiyon ay isang pananampalataya at kapangyarihan na kung saan ay si Cristo ang pinagmulan, at ang Kanyang Salita ay banal. Ang kaluluwa ng mga tao ay nasa alanganin. Maaaring sila ay nasa ilalim ng kaharian ng Diyos o alipin ng paniniil ni Satanas. Ang lahat ay dapat magkaroon ng pagkakataon na panghawakan ang pag-asa na nailagay sa harapan nila sa ebanghelyo; at paano sila makaririnig kung walang tagapangaral? Ang pamilya ng tao ay nangangailangan ng pagsasaayos ng moral, paghahanda ng karakter, upang makatayo sila sa harapan ng Diyos. May mga kaluluwang handa ng mapahamak dahil sa mga teoretikal na pagkakamali na nananaig, na siyang tinitingnan na kakalaban sa mensahe ng ebanghelyo.— Testimonies for the Church, vol. 6, pp. 20, 21. KDB 32.2

Walang gawain sa sanlibutan na napakadakila, napakabanal, at talagang maluwalhati, walang gawain na mataas na kinikilala ng Diyos, na gaya ng gawaing ebanghelyong ito. Ang mensaheng ipinahahayag sa panahong ito ay ang huling mensahe ng awa sa nagkasalang sanlibutan. Yaong mga may pribilehiyo na marinig ang mensaheng ito, na nagpipilit na tanggihang sundin ang babala, ay itinatapon palayo ang huling pag-asa ng kaligtasan. Hindi na magkakaroon pa ng ikalawang pagkakataon. Ang salita ng katotohanan, “Nasusulat,” ay ang ebanghelyong ating ipangangaral. Walang umaapoy na tabak na inilagay rito sa harapan ng punungkahoy ng buhay. Ang lahat ng nagnanais ay makababahagi rito.— Ibid., p. 19. KDB 32.3