Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Dapat Tayong Magkaroon ng Pag-ibig sa Kapwa, Enero 25
At ang pangalawa ay katulad nito, Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili. Mateo 22:39. KDB 31.1
Ang batas ng pag-ibig ay nangangailangan ng debosyon ng katawan, isip, at kaluluwa sa paglilingkod sa Diyos at sa ating kapwa-tao. At ang paglilingkod na ito, habang tayo ay nagiging pagpapala sa iba, ay nagdadala ng dakilang pagpapala sa ating mga sarili. Ang hindi pagiging makasarili ang dahilan ng lahat ng totoong paglago. Sa pamamagitan ng di- makasariling paglilingkod ating natatanggap ang pinakamataas na kalinangan sa lahat ng kakayahan. Higit at higit tayong nagiging lubos na nakikibahagi sa likas ng Diyos. Tayo ay nagiging marapat para sa langit; dahil ating tinanggap ang langit sa ating mga puso.— EDUCATION, p. 16. KDB 31.2
Isang pagmamapuri ang natutuwa sa pagiging walang kabuluhan ng sariling gawa, na pinagyayabang ang kanyang mahusay na mga katangian, na nagsisikap na gawin ang iba na mas mababa para iangat ang sarili, na nag-aangkin ng higit na kaluwalhatian kaysa sa handang ibigay sa Diyos ng malamig na puso. Ang mga alagad ni Cristo ay tatalima sa mga tagubilin ng Panginoon. Siya ay nag-aanyaya sa atin na mahalin ang isa't isa sa paraang tayo'y Kanyang inibig. Ang relihiyon ay natatag sa pag-ibig sa Diyos, na ito rin ang naghahatid sa atin na mahalin ang isa't isa. Ito ay puno ng pasasalamat, pagpapakumbaba, at pagtitiis. Ito ay mapagsakripisyo, matiisin, maawain, at mapagpatawad. Ito ay nagpapabanal sa buong buhay, at nagpapalawig ng impluwensiya sa mga iba. KDB 31.3
Yaong mga umiibig sa Diyos ay hindi maaaring magkimkim ng pagkamuhi at inggit. Kapag ang makalangit na prinsipyo ng walang-hanggang pag-ibig ang pumupuno sa puso, ito ay dadaloy rin sa iba, hindi lamang dahil sa tinanggap nila ang mga pabor, kundi dahil ang pag-ibig ay ang prinsipyo ng pagkilos, at bumabago sa karakter, ang namamahala sa mga damdamin, pumipigil sa mga hilig, sumusupil sa pagtatalo, at nagtataas at nagpapadakila sa pagmamahal. Ang pag-ibig na ito ay hindi maliit na rito'y kabilang ang “ako at akin” lamang, sa halip ay kasinlawak ng sanlibutan, at mataas na gaya ng langit, at kaayon sa mga manggagawang anghel.— Testimonies for the Church, vol. 4, pp. 223, 224. KDB 31.4