Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

23/376

Pinili Tayo ng Diyos Para Tayo'y Iligtas, Enero 22

Ngunit kami ay dapat laging magpasalamat sa Diyos dahil sa inyo, mga kapatid na minamahal ng Panginoon, sapagkat hinirang kayo ng Diyos bilang unang bunga sa kaligtasan sa pamamagitan ng pagpapabanal ng Espiritu at pananampalataya sa katotohanan. 2 Tesalonica 2:13. KDB 28.1

Ito ay sa pamamagitan ng pagpapabanal ng Espiritu at paniniwala sa katotohanan kaya tayo ay nagiging mga manggagawang kasama ng Diyos. Hinihintay ni Cristo ang pakikipagtulungan ng Kanyang Iglesya. Hindi Niya pinanukala na magdagdag ng mga bagong elemento ng lalong pagiging epektibo sa Kanyang Salita; Kanyang nagawa ang dakila Niyang gawain ng pagkakaloob ng inspirasyon sa Salita. Ang dugo ni Jesu-Cristo, ang Banal na Espiritu, ang banal na Salita, ay atin. Ang layunin ng lahat ng kaloob na ito ng langit ay nasa ating harapan—ang kaligtasan ng mga kaluluwa kung kaya namatay si Cristo; at nakabatay sa atin na panghawakan ang mga pangako na ibinigay ng Diyos at maging kamanggagawa na kasama Niya. KDB 28.2

Ang mga ahensya ng langit at ng tao ay kailangang magtulungan sa gawain. . . . Na tumayo sa mga payo ng Diyos, na tumahan sa walang-hanggang kataasan ng santuwaryo, ang lahat ng elemento ng katotohanan ay nasa Kanya at Kanya. Siya ay kaisa ng Diyos. Ito ay nangangahulugan ng higit sa kayang unawain ng isipan ng tao na sa gawain ng pagmimisyon ay ipakita si Cristo at Siya na napako. . . . Si Cristo na bumangon mula sa mga patay; si Cristo na umakyat sa kaitaasan bilang ating Tagapamagitan—ito ang siyensya ng kaligtasan na kailangan nating matutunan at ituro.— Counsels to Parents, Teachers, and Students, pp. 22,23. KDB 28.3

Sa kanyang mga pagsisikap na abutin ang pamantayan ng Diyos para sa kanya, ang Cristiano ay walang dahilan para mawalan ng pag-asa. Ang moral at espirituwal na kasakdalan, sa pamamagitan ng biyaya at kapangyarihan ni Cristo, ay ipinangako sa lahat. Si Jesus ang pinagmumulan ng kapangyarihan, ang bukal ng buhay. . . . Inaakay Niya tayo sa luklukan ng Diyos, at inilalagay sa ating mga bibig ang panalangin kung saan tayo ay dinadala nang malapitan sa Kanyang sarili. Sa ating kapakanan ay Kanyang pinagagana ang makapangyarihan sa lahat na mga ahensya ng langit.— The Acts of the Apostles, p. 478. KDB 28.4