Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Dapat Nating Pag-aralan ang Kanyang mga Gawa, Enero 21
Sapagkat ikaw, PANGINOON, pinasaya mo ako ng iyong gawa; sa mga gawa ng iyong mga kamay ay aawit ako sa kagalakan. Kay dakila ng iyong mga gawa,O PANGINOON! Ang iyong kaisipan ay napakalalim! Awit 92:4, 5. KDB 27.1
Marami ang mga pamamaraan na ginagamit ng Diyos para ipakilala ang Kanyang sarili sa atin at madala tayo sa pakikipag-ugnayan sa Kanya. Ang kalikasan ay nagsasalita sa ating mga pandama na walang tigil. Ang bukas na puso ay mapapahanga sa pag-ibig at kaluwalhatian ng Diyos kung paanong ipinahayag sa pamamagitan ng gawa ng Kanyang mga kamay. Ang tainga ay makaririnig at makauunawa sa mga pakikipag-usap ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay ng kalikasan. Ang luntiang parang, ang matataas na mga puno, ang mga usbong at mga bulaklak, ang dumaraang mga ulap, ang patak ng ulan, ang bumubulang batis, ang kaluwalhatian ng mga langit, ay nagsasalita sa ating mga puso, at iniimbitahan na kilalanin Siya na gumawa ng lahat. KDB 27.2
Pinagsama-sama ng ating Tagapagligtas ang Kanyang mahahalagang mga aralin sa mga bagay ng kalikasan. Ang mga puno, mga ibon, mga bulaklak sa mga lambak, ang mga burol, ang mga lawa, at ang magagandang mga langit, gayundin ang mga pangyayari sa paligid ng araw-araw na buhay, ay lahat kaugnay sa salita ng katotohanan, na ang Kanyang mga aralin ay maaalala lagi sa isip, kahit pa sa gitna ng kaabalahan ng mga alalahanin sa gawain ng buhay ng tao. KDB 27.3
Nais ng Diyos na pahalagahan ng tao ang Kanyang mga gawa, at matuwa sa mga simple, at tahimik na kagandahan na inilagay Niyang palamuti sa ating makalupang tahanan. Siya ay maibigin sa maganda, at higit sa lahat ng maganda sa pang-labas ay iniibig Niya ang kagandahan ng karakter; nais Niyang ating palaguin ang kadalisayan at kasimplehan, ang tahimik na kilos ng mga bulaklak. Kung tayo lamang ay makikinig, ang nilikhang mga gawa ng Diyos ay magtuturo sa atin ng mahahalagang mga aral ng pagsunod at pagtitiwala. . . . Walang luha ang pumapatak na hindi pansin ng Diyos. Walang ngiti na hindi niya minamarkahan.— Steps to Christ, pp. 85, 86. KDB 27.4