Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

243/376

Ang mga Ito ang Naghugas ng Kanilang mga Damit, Agosto 24

Ang mga ito ang nanggaling sa malaking kapighatian, at naghugas ng kanilang mga damit at pinaputi ang mga ito sa dugo ng Kordero. Apocalipsis 7:14. KDB 249.1

Sa kristal na dagat sa harap ng trono, ang dagat na salamin na may halong apoy—talagang nagniningning dahil sa kaluwalhatian ng Diyos, ay natipon ang grupo na “dumaig sa halimaw at sa larawan nito, at sa marka, at sa bilang ng pangalan nito.” Kasama ang Kordero sa Bundok ng Zion, “dala ang mga alpa ng Diyos,” tumayo sila, ang isang daan at apatnapu't apat na libong tinubos mula sa mga tao; at may narinig, na parang tunog ng maraming tubig, at tulad ng tunog ng isang malaking kulog, “ang tinig ng mga manunugtog na tumutugtog gamit ang kanilang mga alpa.” . . . “Ito ang mga nanggaling sa malaking kapighatian;” dumaan sila sa oras ng kaguluhang hindi pa naganap magmula noong nagkaroon ng isang bansa; tiniis nila ang pagdurusa noong panahon ng kaguluhan ni Jacob; tumayo sila nang walang tagapamagitan sa huling pagbuhos ng mga hatol ng Diyos. Ngunit sila ay nailigtas, sapagkat sila “ay naghugas ng kanilang mga damit at pinaputi ang mga ito ng dugo ng Kordero.”— The Great Controversy, pp. 648, 649. KDB 249.2

Ang pinakadakila sa tinubos na hukbo na nakatayo sa harap ng trono ng Diyos at ng Kordero, na nakasuot ng puti, ay nalalaman ang labanan ng pananagumpay, sapagkat sila ay galing at nakaranas ng matinding kapighatian. Ang mga sumuko sa mga pangyayari sa halip na makisali sa labanang ito, ay hindi alam kung paano tumayo sa araw na iyon kung ang paghihirap ay darating sa bawat kaluluwa, nang, kahit na sina Noe, Job, at Daniel, ay nasa lupain, hindi nila maililigtas ang alinman sa anak na lalaki ni anak na babae, sapagkat ang bawat isa ay dapat na iligtas ang kanyang kaluluwa sa pamamagitan ng kanyang sariling katuwiran.— Testimonies for the Church, vol. 5, p. 215. KDB 249.3