Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

244/376

Kayo na Malayo Noong Una Ay Inilapit, Agosto 25

Subalit ngayon ay na kay Cristo Jesus, kayo na noong una ay malayo, ay inilapit sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. Efeso 2:13. KDB 250.1

Pinili ka ni Cristo. Tinubos ka ng mahalagang dugo ng Kordero. Makiusap sa harap ng Diyos para sa bisa ng dugong iyon. Sabihin sa Kanya: “Ako ay sa Iyo sa pamamagitan ng paglikha; ako ay sa Iyo sa pamamagitan ng pagtubos. Iginagalang ko ang awtoridad ng tao, at ang payo ng aking mga kapatid; ngunit hindi ko lubos na maaasahan ang mga ito. Ikaw ang nais ko, O Diyos, na magturo sa akin. Nakipagtipan ako sa Iyo na gamitin ang banal na pamantayan ng karakter, at gawing Ikaw ang tagapayo at gabay—isang partido sa bawat plano ng aking buhay; turuan mo ako.” Hayaang ang kaluwalhatian ng Panginoon ang iyong unang isinasaalang-alang. Pigilan ang bawat pagnanais para sa makamundong pagkakakilanlan, bawat ambisyon upang masiguro ang unang puwesto. Hikayatin ang kadalisayan at kabanalan sa puso, upang maaari kang kumatawan sa totoong mga alituntunin ng ebanghelyo. Hayaan ang bawat kilos ng iyong buhay na mapabanal ng isang banal na pagsisikap na gawin ang kalooban ng Panginoon, upang hindi umakay ang iyong impluwensiya sa iba tungo sa mga ipinagbabawal na landas.— Fundamentals of Christian Education, pp. 348, 349. KDB 250.2

Ang bisa ng dugo ni Cristo ay dapat maiharap sa mga tao na may kasariwaan at kapangyarihan, upang maaaring manghawakan ang kanilang pananampalataya sa mga merito nito. Tulad ng pagwiwisik ng mataas na saserdote ng mainit na dugo sa luklukan ng awa, habang ang mabangong ulap ng insenso ay umaakyat sa harap ng Diyos, kaya habang ipinagtatapat natin ang ating mga kasalanan, at nakikiusap para sa bisa ng nagbabayad-salang dugo ni Cristo, ang ating mga panalangin ay dapat umakyat sa langit, mabango dahil sa mga merito ng karakter ng ating Tagapagligtas. Sa kabila ng ating pagiging di-karapat-dapat, dapat nating tandaang mayroong Isang maaaring mag-alis ng kasalanan, at magligtas sa makasalanan. Ang bawat kasalanang kinikilala sa harap ng Diyos na may isang pusong nagsisisi, ay aalisin Niya. Ang pananampalatayang ito ang buhay ng iglesya.— Testimonies to Ministers and Gospel Workers, pp. 92, 93. KDB 250.3