Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Sa Pamamagitan ng Pananampalataya Ay Nahugasan ang Ating mga Kasalanan, Agosto 22
Na siyang inialay ng Diyos bilang handog na pantubos sa pamamagitan ng kanyang dugo na mabisa sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ay kanyang ginawa upang maipakita ang pagiging matuwid ng Diyos, sapagkat sa kanyang banal na pagtitiis ay kanyang pinalampas ang mga kasalanang nagawa sa nakaraan. Roma 3:25. KDB 247.1
Ang dugo ng walang-bahid na Kordero ng Diyos ang inilalapat ng mga mananampalataya sa kanilang sariling mga puso. Sa pagtingin sa dakilang Antitipiko, masasabi nating, “Si Cristo Jesus na namatay, oo, siyang muling binuhay mula sa mga patay, na siya ring nasa kanan ng Diyos, na siya ring namamagitan para sa atin.” “Linisin mo ako ng isopo, at ako'y magiging malinis; hugasan mo ako at ako'y magiging higit na maputi kaysa niyebe.”— Testimonies to Ministers and Gospel Workers, p. 95. KDB 247.2
Kusang dumating ang Anak ng Diyos upang gampanan ang gawain ng pagbabayad- sala. Walang sapilitang pamatok sa Kanya; sapagkat Siya ay malaya at higit sa lahat ng kautusan. Ang mga anghel, bilang matalinong mga mensahero ng Diyos, ay nasa ilalim ng pamatok ng obligasyon; walang personal na pagsasakripisyo nila ang maaaring magbayad-sala para sa pagkakasala ng nahulog na tao. Si Cristo lamang ang malaya mula sa mga pag-angkin ng kautusan para magsagawa ng pagtubos sa lahi ng makasalanan. Siya ay may kapangyarihang ibigay ang Kanyang buhay at kunin ito muli. . . . KDB 247.3
Ang dugo ni Cristo ay mabisa, ngunit kailangan itong ilapat nang tuloy-tuloy. Hindi lamang nais ng Diyos na gamitin ng Kanyang mga tagapaglingkod ang mga paraang ipinagkatiwala Niya sa kanila para sa Kanyang kaluwalhatian, ngunit nais Niya silang gumawa ng pagtatalaga ng kanilang sarili sa Kanyang layunin.—Testimonies for the Church, vol. 4, pp. 120-122. KDB 247.4
Yumukod ang Tagapagligtas sa pagbayad ng Kanyang dugo, na sinasabing may di- maipaliwanag na pagmamahal at awa, “Gusto mo bang gumaling?” Inaalok ka Niyang bumangon sa kalusugan at kapayapaan. . . . Palalayain Niya ang bihag na hawak ng kahinaan at kasawian at ng tanikala ng kasalanan.— The Desire of Ages, p. 203. KDB 247.5
Dapat nating gamitin ang buhay na pananampalatayang iyan, na tatagos sa mga ulap na, tulad ng isang makapal na pader na naghihiwalay sa atin mula sa liwanag ng langit.— Messages to Young People, p. 103. KDB 247.6