Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

240/376

Ang Kanyang Dugo Ay Nabuhos Para sa Marami, Agosto 21

Sapagkat ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan. Mateo 26:28. KDB 246.1

Mga anak ng Panginoon, gaano ngang kahalaga ang pangako! Gaano ngang ganap ang pagbabayad-sala ng Tagapagligtas para sa ating pagkakasala! Ang Manunubos, na may puso ng hindi mababagong pagmamahal, ay nagsusumamo pa rin ng Kanyang banal na dugo para sa kapakanan ng makasalanan. Ang mga sugatang kamay, ang tinusok na tagiliran, ang mga napinsalang paa, ay mabisang nakikiusap para sa nahulog na tao, na ang pagtubos ay binili sa isang walang-hanggang halaga. Oh, walang kapantay na pagpapakumbaba! Ni ang oras o mga kaganapan ay hindi maaaring makabawas sa bisa ng pagbabayad-salang sakripisyo. Habang ang mabangong ulap ng insensong rosas ay umaakyat nang katanggap-tanggap sa Langit, at iwinisik ni Aaron ang dugo sa luklukan ng awa ng sinaunang Israel, at nilinis ang mga tao mula sa pagkakasala, sa gayon ang mga merito ng napatay na Kordero ay tinanggap ng Diyos ngayon bilang isang paglilinis mula sa karumihan ng kasalanan.— Testimonies for the Church, vol. 4, p. 124. KDB 246.2

Sa pagtanggap natin ng tinapay at alak na sumasagisag sa nasirang katawan ni Cristo at nabuhos na dugo, sumasali tayo sa pagsasaisip sa tagpo ng pakikipag- isa sa itaas na silid. Tila dumadaan tayo sa hardin na itinalaga ng paghihirap Niyang nagbata ng mga kasalanan ng mundo. Nasasaksihan natin ang pakikibaka kung saan natamo ang ating pakikipagkasundo sa Diyos. Si Cristo ay inilahad na ipinako sa krus sa gitna natin. KDB 246.3

Sa pagtingin sa ipinakong Manunubos, higit nating maiintindihan ang kalakhan at kahulugan ng sakripisyong ginawa ng Kamahalan ng langit. Ang plano ng kaligtasan ay naluluwalhati sa harap natin, at ang pag-iisip ng Kalbaryo ay pumupukaw ng buhay at sagradong mga damdamin sa ating mga puso. Papuri sa Diyos at sa Kordero ay sasaating mga puso at mga labi; sapagkat ang pagmamataas at pagsamba sa sarili ay hindi uunlad sa kaluluwang pinananatiling sariwa sa memorya ang mga eksena ng Kalbaryo.— The Desire of Ages, p. 661. KDB 246.4