Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa
Tayo'y Natubos sa Pamamagitan ng Kanyang Dugo, Agosto 20
Sa kanya'y mayroon tayong katubusan sa pamamagitan ng kanyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kanyang biyaya. Efeso 1:7. KDB 245.1
Ang ating kalagayan sa pamamagitan ng kasalanan ay naging di- pangkaraniwan, at ang kapangyarihang nagpapanumbalik sa atin ay dapat ns sobrenatural, kung hindi man ay wala itong halaga. May isang kapangyarihan lamang na makasisira sa paghawak ng kasamaan mula sa mga puso ng mga tao, at iyon ang kapangyarihan ng Diyos kay Jesu-Cristo. Tanging sa pamamagitan ng dugo ng Isang Napako na magkakaroon ng paglilinis mula sa kasalanan. KDB 245.2
Ang Kanyang biyaya lamang ang makapagbibigay-daan sa atin para malabanan at mapasuko ang mga gawi ng ating nagkasalang kalikasan. Winawalang-epekto ng mga teoryang espirituwalista ang kapangyarihang ito tungkol sa Diyos. Kung ang Diyos ay isang kapangyarihang sumasakop sa lahat ng kalikasan, kung gayon Siya ay naninirahan sa lahat ng mga tao; at para makamit ang kabanalan, dapat lamang paunlarin ng tao ang kapangyarihang nasa loob niya.— Testimonies for the Church, vol. 8, p. 291. KDB 245.3
Maaari kang magkaroon ng gantimpala ng mananagumpay, at tumayo sa harap ng trono ni Cristo para awitin ang Kanyang mga papuri sa araw na tipunin Niya ang Kanyang mga banal; ngunit ang iyong mga balabal ay dapat malinis sa dugo ng Kordero, at dapat kang takpan ng pag-ibig na parang isang damit, at makikita kang walang bahid at walang dungis. Sinabi ni Juan: Pagkatapos nito ay nakita ko at, narito, ang isang lubhang karamihan, na hindi mabibilang ng sinuman, ng lahat ng mga bansa, at mga angkan, at mga tao, at mga wika, ay nakatayo sa harap ng trono, at sa harap ng Kordero, na nakasuot ng mga puting damit, at mga palma sa kanilang mga kamay; at sumigaw ng malakas na tinig, na sinasabing, “Ang kaligtasan sa ating Diyos na nakaupo sa trono, at sa Kordero.” “Ito ang mga nanggaling sa matinding kapighatian, at hinugasan ang kanilang mga damit, at pinaputi sila sa dugo ng Kordero. . . . Sila'y hindi na magugutom pa, ni mauuhaw man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anumang nakakapasong init.”— Ibid., vol. 4, p. 125. KDB 245.4