Kapiling ang Diyos sa Bukang-liwaywa

238/376

Magpatawad at Kayo'y Patatawarin, Agosto 19

Huwag kayong humatol at hindi kayo hahatulan. Huwag kayong humusga at hindi kayo huhusgahan. Magpatawad kayo at kayo'y patatawarin. Lucas 6:37. KDB 244.1

Itinuturo ni Jesus na makatatanggap lamang tayo ng kapatawaran mula sa Diyos kapag pinatawad natin ang iba. Ang pag-ibig ng Diyos ang humihila sa atin sa Kanya, at ang pag-ibig na iyon ay hindi makaaantig sa ating mga puso kung walang pagmamahal sa ating mga kapatid. . . . KDB 244.2

Siya na hindi mapagpatawad ay pinuputol ang mismong paraan kung saan sa pamamagitan lamang nito siya makatatanggap ng awa mula sa Diyos. Hindi natin dapat isiping maliban na ang mga nakasakit sa atin ay magtapat sa pagkakamali, mabibigyang-katwiran tayong ipagkait sa kanila ang ating kapatawaran. Bahagi nila, walang alinlangan, na pagpakumbabain ang kanilang mga puso sa pamamagitan ng pagsisisi at pagtatapat; ngunit dapat tayong magkaroon ng isang diwa ng pakikiramay sa mga taong lumabag laban sa atin, aminin man nila o hindi ang kanilang mga pagkakamali. Gaanuman katindi silang nakasakit sa atin, hindi natin dapat panatilihin ang ating mga hinaing, at makiramay sa ating mga sarili sa ating mga pinsala; ngunit sa pag-asang mapapatawad tayo sa ating mga pagkakasala laban sa Diyos, dapat nating patawarin ang lahat na gumawa ng kasamaan sa atin. KDB 244.3

Ngunit ang pagpapatawad ay may isang malawak na kahulugan kaysa inaakala ng marami. Kapag nagbigay ang Diyos ng pangakong Siya ay “magpapatawad nang sagana,” dagdag Niya, na para bang ang kahulugan ng pangakong iyon ay humihigit sa lahat ng mauunawaan natin: “Sapagkat ang aking mga pag-iisip ay hindi ninyo mga pag-iisip, ni ang inyong mga pamamaraan ay aking mga pamamaraan, sabi ng Panginoon. Sapagkat kung paanong ang langit ay higit na mataas kaysa lupa, gayon ang aking mga pamamaraan ay higit na mataas kaysa inyong mga pamamaraan, at ang aking mga pag-iisip kaysa inyong mga pag-iisip.” Ang kapatawaran ng Diyos ay hindi lamang isang hudisyal na kilos kung saan pinalaya Niya tayo mula sa pagkondena. Hindi lamang ito kapatawaran sa kasalanan, kundi pagbawi mula sa kasalanan. Ito ang daloy ng tumutubos na pag-ibig na bumabago sa puso Ang Diyos kay Cristo ay ibinigay ang Kanyang sarili para sa ating mga kasalanan.— Thoughts From the Mount of Blessing, pp. 166, 167. KDB 244.4